• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-13 20:56:23    
Agosto ika-6 hanggang ika-12

CRI
Bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN, nagpadala noong Miyerkules ng mensahe si Premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Lee Hsien Loong, P.M. ng Singapore, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN. Sa mensahe, sinabi ni Wen na nitong 40 taong nakalipas, puspusang pinasusulong ng ASEAN ang paglaki ng kabuhayan at pag-unlad ng lipunan at kultura ng mga kasapi nito, at aktibong itinataguyod at pinasusulong ang pagtutulungan ng rehiyon ng Silangang Asya, at natamo ang isang serye ng mahalagang tagumpay. Ipinahayag din niyang tulad ng dati, kakatigan ng Tsina ang proseso ng integrasyon ng ASEAN at ang pangunahing papel nito sa pagtutulungang panrehiyon, at magsisikap ang Tsina kasama ng ASEAN para mapasulong ang kanilang komprehensibong pagtutulungan sa isang bagong lebel at makapagbigay ng ambag para sa pagtatatag ng mapayapa at maharmoniyang Asya.

Tinukoy noong isang linnggo ni Ong Keng Yong, pangkalahatang kalihim ng ASEAN, na patuloy na pasusulungin ng ASEAN ang proseso ng integrasyong panrehiyon at pahihigpitin ang may mutuwal na kapakinabangang pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan ng pulitika, seguridad kabuhayan at iba pa. Sinabi ni Ong na nitong 40 taong nakalipas, ang ASEAN ay naging plataporma ng kooperasyon ng mga bansa sa rehiyong ito sa iba't ibang larangan at patuloy na pahihigpitin ng mga bansang ASEAN ang kooperasyon para maitatag ang ASEAN Community bago ang taong 2015. Kaugnay ng relasyong Sino-ASEAN, sinabi niya na nitong 16 na taong nakalipas, isinasagawa ng dalawang panig ang mabungang kooperasyon sa iba't ibang larangan at ito ay angkop sa kanilang interes. Sinabi rin niya na ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang panig at kanilang malakas na hangarin sa pagpapalakas ng kooperasyon ay tiyak na ibayo pang magpapahigpit ng kanilang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at magdudulot ng pangmatagalang kapayapaan at kasaganaan ng dalawang panig.

Ipinahayag noong Martes ni punong ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na dapat mapanalig ng ASEAN ang mga mamamayan na magsisibing plataporma ng pagpapalitang panrehiyon ang organisasyong ito, at magpapatingkad ng positibo, makatarungan at konstruktibong papel. Sa ASEAN Day Lecture na magkasanib na inihandog ng Institute of Southeast Asian Studies at Sekretaryat ng ASEAN, ipinahayag ni Lee na nitong 40 taong nakalipas, naging mas matagumpay ang ASEAN kumpara sa inaasahan ng mga tagapagtatag, ngunit, mahaharap pa ito sa mas maraming hamon.

Magkasunod na nagtalumpati noong Martes ang mga P.M. na sina Abdullah Haji Ahmad Badawi ng Malaysia at Nguyen Tan Dung ng Biyetnam, at pinapurihan nila ang matagumpay na pangangalaga ng ASEAN sa kapayapaan at katatagan ng Timog Silangang Asya nitong 40 taong nakalipas. Sinabi ni Badawi na bunga ng mapayapang kapaligiran ng rehiyon ng Timog Silangang Asya, pinapasok ng iba't ibang bansang ASEAN na kinabibilangan ng Malaysia ang pamumuhunan ng ibang bansa, at sa gayo'y naging isang masagana at malakas na rehiyon ang Timog Silangang Asya at nakapagpatingkad ang ASEAN ng mahalagang papel sa mga suliranin ng rehiyong ito. Ipinahayag din ng P.M. ng Biyetnam na nitong 40 taong nakalipas, lumalakas nang lumalakas ang kakayahan at imahe ng ASEAN, at nakakapagpatingkad ito ng mahalagang papel sa aspekto ng pagpapasulong ng pagtutulungan ng Silangang Asya at rehiyon ng Asya-Pasipiko. Kapwa ipinahayag ng dalawang P.M. na magsisikap ang kanilang Pamahalaan para maitatag ang isang mas malakas na ASEAN.

Bumigkas noong Miyerkules ng talumpati si Than Shwe, tagapangulo ng pambansang lupon ng kapayapaan at kaunlaran ng Myanmar bilang pagbati sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN at ika-10 anibersaryo ng paglahok ng Myanmar sa ASEAN. Nanawagan siya sa mga mamamayan ng Myanmar na magsikap, kasama ng iba pang kasaping bansa ng ASEAN, para maisakatuparan ang target ng ASEAN Community. Sinabi ni Than na noong 1997, opisiyal na lumahok ang Myanmar sa ASEAN at mabisa nitong pinasulong ang pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng kaniyang bansa at mga iba pang bansang ASEAN. Anya, pagkaraan ng 10 taon, nalaman na ng Myanmar na kailangang palakasin ang relasyon nito sa ASEAN at kailangang magkakasamang makisama sila ng mga iba pang bansang ASEAN sa itatatag na ASEAN Community.

Nagpalabas naman noong Miyerkules ng komentaryo ang pahayagang Rodong Sinmun ng Hilagang Korea na nagsasabing nananatiling mabuti ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Hilagang Korea at mga bansang ASEAN at patuloy itong makikipagtulungan sa mga bansang ASEAN sa hinaharap para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at Asya. Sinabi rin ng komentaryo na bilang isang organisasyong pangkooperasyon ng rehiyon, nagaganap ng ASEAN ang mahalagang papel sa pangangalaga sa katatagan ng rehiyon at kaunlaran ng lipunan at tiyak nitong matatamo sa hinaharap ang mas malaking tagumpay.