• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-13 21:04:38    
Esensiya ng wushu o martial arts

CRI
Kabilang sa Shaolin Wushu ang boksing, may 40 baryedad ito, ang suntukan, at ang pagsasanay ng paggamit ng batuta, patalim at espada. Bilang kauna-unahan at pinakasempleng kasangkapan, na dati'y ginagamit sa pangangaso at labanan, ang batuta ang siyang kauna-unahan sa lahat ng sandata. Mula dito'y gumawa ng ibang sandatang may mahabang hawakan, tulad ng sibat, tulos at halberd (isang klase ng sandatang ginagamit noong ika-15 hanggang ika-16 na siglo). Ang paggamit ng mga ito'y humubog ng batayan ng kanilang kakayahan.

Ang sinaunang wushu na tanging kaisa-isa lamang porma ng paglaban ay kaiba sa diwang ipinakikita ngayon na naging palakasan o pagtatanghal na pansining. Ang pagtakda ng mga kilos ay isinasaalang-alang batay sa hangaring palakasin hangga't maaari ang lahat ng buto, laman at litid ng katawan. At ang mga nagsasanay ay nagsisikap na huwag malubhang masaktan ang kanilang kalaban.

Kabilang sa mga kautusan ng martial arts ng Templong Shaolin ang alituntuning: "May 8 parte ng katawan na puwede at 8 parte ng katawan na di puwedeng daluhungin." Ang 8 parte ng katawan na pinahihintulutang daluhungin ay yaong bahaging gahisin man ang kalaban pero hindi malubhang nasasaktan. Ang 8 parteng ipinagbabawal na daluhungin ay yaong mga napakahalagang organo ng katawan.

Sa gayon, ang lahat ng pangkaraniwang paraan ay lupigin ang kalaban, pero masugatan man ay hindi naman nakamamatay. Ang esensiya ng prinsipyong ito'y naipapahayag sa katagang Tsinong "Wu" (martial) na binubuo ng dalawang ideograms na ang pinagsamang pakahulugan ay "itigil ang labanan".

Ang konseptong ito'y siyang itinagubilin ng nagpakadalubhasang estratehistang si Sunzi. Tulad ng isinasaad niya sa kanyang kathang "Art of War". Ang pinakasukdulang paraan ng labanan ay lupigin ang kaaway nang hindi man lamang lumaban.

Ang kodigo ng itika ng Templong Shaolin ay bahaging nakapaloob sa pagsasanay na ibinibigay ng lahat ng marangal na paaralan ng Matial arts. Ang sinumang lumabag doon ay paaalisin ang kanilang pagsapi at itatala sa itim na listahan.