
Nang mabanggit ang Great Wall, siguradong kilala-kilala ito sa inyo. Katulad ng giant panda, porselana at wushu, ang Great Wall ay naging isang matanda at mahiwagang palatandaan ng Tsina.
Ngunit, sa isip ng mga mamamayan sa ibayong dagat, ang Great Wall ay nasa dakong hilaga ng Beijing, punong lunsod ng Tsina, itim ang pader at marami ang turista. Sa susunod, ipakikilala ko sa inyo ang Shanhaiguan pass, silangang dulo ng Great Wall.

Mabilis ang pagsasalita ni Miss Wang Yanxia, lipos siya ng tiwala sa sarili at mapagpakumbaba. Siya ay isa sa mga 6 libong residente ng Shanhaiguan old town at hanggang noong isang taon, namuhay pa siya sa loob ng old town ng Shanghaiguan. Siya ngayon ay puno ng pamumuan ng pagkukumpuni ng Shanghaiguan. Ipinagmamalaki niya ang pagbanggit ng Shanhaiguan:
"Hindi ako mapagbuhat ng sariling bangko, dumalaw nang mahigit 100 beses ang mga dalubhasa ng Great Wall at cultural relics na kinabibilangan ni Luo Zhengwen, matandang dalubhasa ng pambansang kawanihan ng cultural relics ng Tsina. Sinabi ni Luo na ang Great Wall ng Shanhaiguan ay pinakamahusay na parte ng Great Wall at natural na museo nito."

Sumasaklaw ang Great Wall sa maraming lalawigan sa hilangang Tsina, at nagkakaiba-iba ang constructive material nito ayon sa kinaroroonan nito. Kahanga-hanga ang konstruksyon ng buong Great Wall at parang isang dakilang dragon ang humihiga sa buong Tsina mula pinakasilangang dulo ng Great wall pakanluran.
May maraming cultural relics ang Shanhaiguan, ngunit, dahil sa ilang dahilang pangkasaysayan, mahigit 60% cultural relics ang nasira. Sa kabuuang 4600 metrong pader nito, 3300 metro ang grabeng nasira. Nang mabanggit ang kalagayang ito, buong pait na sinabi ni Guo Jinmin, direktor ng kawanihan ng cultural relics ng Shanhaiguan na:

"Bago ang pagpapasimula ng gawain ng pagkukumpuni, lahat ng bahay sa Shanhaiguan Old Town ang mga mababang bahay na may patag na bubong. Kung uulan, maputik-putik ang daan. Pagkaraang gumuho ang ilang pader, pumulot ang mga residenteng lokal ng mga ladrilyo para itatag ang bahay."
|