• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-15 21:05:35    
Isa sa 6 pinakamagandang wetland sa Tsina

CRI
Sa Lalawigang Heilongjiang sa dakong hilagang silangan ng Tsina, ang Zhalong natural reserve zone ay kilalang-kilala sa Tsina at buong daigdig dahil sa magandang tanawin at malawak na swamp land doon. Ang sonang ito ay hindi lamang natural na paraiso para sa mga waterfowl, kundi ring isa sa mga mahalagang habitat ng mga red-crowned cranes.

Ang Zhalong natural reserve zone na may 210 libong hektarya ay isa sa mga mahalagang wetland sa buong daigdig. Isinalaysay ni Wang Kun, isang working staff sa Zhalong na,

"Ang Zhalong ay pinakamalaking wetland sa Tsina at Asya, at ika-4 sa laki sa buong daigdig. At higit pa, pinaka-primitibo ito, preserba itong mabuti salamat sa paglakas ng kamalayan ng mga mamamayan sa pangangalaga sa wetland."

Ang Zhalong natural reserve zone ay isa rin sa mga mahalagang habitat ng red-crowned cranes. Dito matatagpuan ang pinakamalaking kawan ng red-crowned cranes sa buong daigdig at tinawag itong lupang tinubuan ng mga red-crowned cranes.

Sinabi ni giyang Liu Na na ayon sa alamat sa lokalidad na may mahigpit na kaugnayan ang wetland ng Zhalong sa mga red-crowned cranes. Sinabi niyang,

"May naganap na labanan sa pagitan ng isang itim na dragon at isang puting dragong galing sa Lalawigang Heilongjiang. Pagkaraan ng 49-araw na labanan, nagwagi ang itim na dragon, pero nasugatan din siya at bumulusok sa lupa, at sa malakas na banggang ito, ang lupang binagsakan nito ay naging isang malaking hukay. Gusto nang mailigtas ng isang crane ang itim na dragon, paulit-ulit na inilipat niya ang tubig sa hukay na ito mula sa ibang wetland, at sa wakas, unti-unting naging wetland ang hukay na ito."