• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-16 20:05:54    
Tour exhibition ng mga de-kalidad na produktong agrikultural mula sa Taiwan

CRI
Noong katapusan ng buwang nakalipas, isinagawa ang "tour exhibition ng mga produktong agrikultural na may mataas na kalidad ng Taiwan sa 2007" na idinaos ng samahan ng pagpapalitang pang-agrikultura ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at Samahan ng Mga Magsasaka ng Taiwan sa mga lunsod sa mainland ng Tsina. Isasalaysay ang hinggil sa naturang tour exhibition.

Mula noong ika-20 hanggang ika-25 noong isang buwan, magkakasunod na idinaos ang "tour exhibition ng mga produktong agrikultural na may mataas na kalidad ng Taiwan sa 2007" sa mga lunsod ng Shanghai, Nanjing, Fuzhou, Wuhan, Guangzhou at Dalian. Lumahok sa pagtatanghal ang Samahan ng Mga Magsasaka ng Taiwan at maraming bahay-kalakal ng agrikultura ng Taiwan at masiglang inilahad nila ang tungkol sa mga produktong agrikultural sa mga mamamayan ng mainland.

Karamihan sa mga kalahok sa pagtatanghal ay pumarito sa mainland sa kanilang kauna-unahang pagkakataon. Sa pamamagitan ng pagtatanghal na ito, nagkaroon na sila ng pagkakataon para sa harapang pakikipag-usap sa mga konsumidor ng mainland para totohanang alamin ang pamilihan ng mainland at kapaligiran ng konsumo.

Sa lunsod ng Dalian sa hilaga ng Tsina, pagkaraang makatikim ng bayabas ng Taiwan sa kaniyang pagbisita sa pagtatanghal, sinabi ng isang estudyante ng mababang paaralan na nagngangalang Geng Zhi na:

"Kakaiba ito, hindi ko nakita noon. Nabanggit lamang ang pangalang ito sa aming teksbuk. Kay sarap nito. Makatas. Matamis."

Ang agrikultura ay isa sa mga larangang malaki ang makatagong lakas sa kooperasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits. Isinapubliko ng mainland ng Tsina ang isang serye ng patakarang preperensyal para sa mga magsasaka ng Taiwan noong 2005.

Ayon sa estatisdika, mahigit 3.5 libong toneladang prutas ang inangkat na walang taripa ng mainland sa Taiwan, ang halaga nito ay lumampas sa 4 milyong dolyares na may malaking paglaki kumpara sa taong 2004 Noong unang hati ng taong ito, ipinatalastas pa ng mainland ang 20 baong patakarang preperensyal para sa mga magsasaka ng Taiwan. Pumasok na ang mga produktong agrikultural ng Taiwan sa pamilihan ng mainland, nguni't hindi kilala pa ang mga ito sa mga mamamayan ng mainland, dahil maikli pa ang panahon nang lumitaw sa pumilihan ng mainland ang mga ito.