Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Sabi ni Randolph Empredo ng Baguio City, kinakabahan na raw siya sa malaking pagbabago sa klima ng mundo.
Ay naku, Randolph, hindi ka nag-iisa diyan. Universal concern iyan. Marami naman talaga kasing pasaway sa mundo natin.
Iyan ang ating pambungad na bilang, awiting "True Heart Heroes" ni Eason Chan. Ang magandang awit na iyan ay lifted sa album na pinamagatang "Digital Life".
Ibig sabihin pag ang buhay mo ay hindi digital, ito ay analog. Tama ba ako?
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Sabi ni Emma ng Nueva Ecija, maganda raw ang ginagawa ng ating mga sundalo na paglalagay ng asin sa ulap para mag-create ng artificial rain. Nanunuyo na aniya ang mga pananim sa Luzon at kailangang gumawa ng paraan.
Salamat, Emma. Kasama mo ako sa mga pumupuri sa ating mga sundalo.
"Anna", sa pag-awit ng Top Suzara at hango sa "The Best of APO Hiking Tribute" album.
Salamat kay Jocelyn Santos ng Angeles City, Pampanga. Sabi ng kanyang short note: "Hanga pa rin ako sa environmental concern ng China. Lahat ng mga mamamayan ay nagkakaisa at ang bawat hakbang ay may kinalaman sa bansa at walang halong pulitika. Ito ay wake-up call sa mga pulitikong Pilipino."
Thanks uli, Jocelyn.
Hotdog at ang isa sa mga pinasikat nilang awiting "Kasi Naman". Ang track na iyan ay mula sa "Greatest Hits" album ng grupo.
SMS mula sa 928 899 0133: "Hindi dapat pag-usapan ang karapatang pantao sa ASEAN Ministerial Meeting at ARF kasi magkaiba ang karapatang pantao ng East at West. Walang katapusang pagtatalo ito."
Thank you so much.
Sabi naman ng 910 446 2187: "Nami-miss ko na ang programa mong Travel Talks. Marami ka noong mga programa hinggil sa iba't ibang lugar ng China. Nasaan na sila?"
Salamat sa iyong SMS. Hindi naman nawawala. Meron kasi kaming Travel Talks kung Miyerkoles. Subukin mong pakinggan.
Parang Kenny Rankin ang dating, ano? Iyan ay tinig ni Bong Gabriel, sariling atin, sa kanyang "Ang Ating Awitin" na lifted sa "OPM Greatest Hits Volume 1" album.
At iyan ang kabuuan ng ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|