• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-17 19:08:39    
Pagreserba ng mga tiket para sa Beijing Olympics, umabot sa kasukdulan

CRI
Sapul noong Abril 15 ng taong ito, sinimulan nang nagpapareserba ng mga tiket para sa Beijing Olympic Games. Alinsunod sa eskedyul ng pagbenta ng mga tiket ng Komite ng Pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games, mula Abril hanggang Setyembre ng taong ito'y unang yugto ng pagbebenta ng mga tiket ng Beijing Olympic Games. Sa yugtong ito'y paunang ibebenta ang lahat ng pinagbaha-bahaging tiket sa madla sa loob ng Tsina para sa seremonya ng pagbubukas at pagpinid at 50% ng tiket para sa mga paligsahang pampalakasan.

Napag-alaman kamakailan ng koresponsal mula s a Komite ng Pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games na sapul nang simulan ang gawain sa pagbebenta ng tiket, interesadong interesado ang madla sa loob ng bansa at umabot sa kasukdulan ang pagreserba ng mga tiket para sa Olympic Games.

Si Mr. Guo Jiang na ipinanganak dito sa Beijing ay isang empleyado ngayon sa isang kompanyng dayuhan. Hangad niyang makapanood sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Kaya nang malaman niyang puwede nang magpareserba ng tiket para sa Beijing Olympic Games, dali-dali siyang nagpatala sa pamamagitan ng website ng Beijing Olympic Games at nag-aplay ng pagreserba ng tiket.

"Katutubong Beijing ako. Pinananabikan kong makapanood sa seremonya ng pgbubukas ng Olympic Games. Yayamang malapit sa sariling tahanan iyon gaganapin. Nang ipabatid ng komite ng pag-oorganisa ng Olympic Games na maaaring magpareserba ng tiket sa website, nagkataong wala ako sa Beijing, kaya nagsadya ako sa isang web bar para magpatala. Yayamang talagang pinakamimithi kong makita ko mismo ang seremonya ng pagbubukas ng Olympic Games."

Sa mahigit 600 aytem ng tiket, pinkamarami ang nagpareserba ng tiket sa seremonya ng pagbubukas ng Beijing Olympic Games. Sapagkat iyon ang tanda ng pambungad ng Beijing Olynpic Games. At isang maringal na pagtatanghal na minsan lamang mapapanood bawat 4 na taon.

Kagaya ni Mr. Guo ang maraming taong naghahangad na makapanood mismo sa lugar na pagdarausan ng seremonya ng pagbubukas. Nagdulot sa kanya ng malaking kaluwagan ang porma ng pagreserba ng tiket sa pamamagitan ng website.