• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-20 09:41:17    
Isang bantog na komedyanteng Tsino

CRI
Nitong mga araw na ito, pinagtutuunan ng pansin ng mga tao ang sikat na komedyanteng Tsino, Huang Hong. Samantalang laging pinag-uukulan ng pansin naman ni Huang Hong ang mga magsasakang bumubuo ng pinakamaraming populasyon sa Tsina. Higit sa lahat, pinagmamalasakitan niya ang karapatan at kapakanan ng mga magsasakang nagtatrabaho sa kalunsuran. Kaugnay nito'y nanawagan siya sa lipunan.

Sa gayon, talaga siyang naging emahen ng tagapagsalitang kumakatawan sa mga magsasakang nagtatrabaho sa kalunsuran. Anya: "gayon na lamang ang pagmamalasakit ko sa mga magsasaka." Sapagkat matagal na siyang lumilikha ng mga kathang pansining na nagmumula sa kababa-babaang antas. Ngayo'y ipakikilala namin sa inyo ang komedyanteng si Huang Hong.

Noong Marso 3 hanggang 15 idinaos sa Beijing ang regular na taunang pulong ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, CPPCC. Ang mga kagawad niyo'y puro mga tauhang nakapag-ambag sa iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Tsina. Nakikisangkot sila sa mga gawain ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagharap sa pamahalaan ng mga mungkahi at panukala.

Isa ring kagawad ng CPPCC ang 47 anyos na si Huang Hong. Nagharap siya ng proposal na pinamagatang "magtatag ng saligang garantiyang panlipunan para sa mga magsasakang nagtatrabaho sa kalunsuran". Kalalabas pa lamang ng kanyang proposal ay pinagtuunan na iyon ng pansin ng mass media at ng malawak na masa.

Ang naturang proposal ay may kinalaman sa katayuan, sahod, insurance at buhay kultural ng mga magsasakang nagtatrabaho sa lunsod. Halos nasasakop niyon ang mga kahilingan at pangangailangan ng mga nabanggit na magsasaka sa iba't ibang aspekto. Napabantog ang mga komedyang katha ni Huang Hong na kahit na maigsi lamang ay makatuturan naman. Mahusay siya sa paghahanap ng mga magagandang paksa mula sa mga di gaanong mahalagang tauhan at bagay-bagay.