Ang Shanxi ay lalawigang may maraming relikya. May masaganang katutubong sining, tulad ng kantahing bayan, traditional na opera, paper-cut at needlework, bantog sila sa buong daigdig. Malaliman at pangmalayuan ang kultura ng "mangangalakal ng Jin".
Noong ika-17 siglo hanggang ika-19 na siglo, napakahalaga ng katayuan ng mga "mangangalakal ng Jin" sa kabuhayan ng Tsina at naging mahalagang katangian ng kulturang panrehiyon ng Tsina ang kultura ng "mangangalakal ng Jin" na nagtatampok ng katapatan sa edukasyong pantahanan at ng makatarungang kompetisyon sa pangangalakal.
Ang dramang panayaw "papagsayawin ang ilog-Huanghe" na pinagsama-sama ang kantahing bayan, katutubong sayaw at tugtugin ng tradisyonal na instrumento ay may matingkad na katangian ng Shanxi.
Isinalaysay ng "sandakot ng wild jujube" ang kuwento ng pag-ibig ng mga "mangangalakal ng Jin" noong katapusan ng ika-19 na siglo at unang dako ng ika-20 siglo at makabagbag-puso ang kuwento.
Lubos na ipinakilala ng dalawang dramang ito ang tradisyonal na kultura ng Nasyong Tsino na naggugumiit ng "Kasipagan, enterprising spirit, pagkamaingat at katapatan". sinabi ni artista Zhang Haifeng na:
"Nang matapos ang palabas, ayaw umuwi ang mga manonood, sinabi nilang maharmonya ang pinagsama-samang na awitin, tugtugin at sayaw. Parang naririnig ang mga musikang mula sa lupang tinubuan."
At sinabi ni pangalawang pangulong Jiang Bingkun ng Chinese Kuomintang na "lipos ng matingkad na lokal na katangian ng Shanxi ang palabas at kinagigiliwan ito ng mga manonood, dapat anya, palakasin ang pagpapalitang pangkultura ng magkabilang pampang."
|