• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-23 13:54:21    
Everybody, Are You Falling in Love, Jacky Cheng

CRI

Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Sabi ni Nes ng Lipa City, Batangas, medyo gumagalaw daw ang frequency namin. Umurong daw nang kaunti at kung puwede ipa-check. Hindi naman daw siguro ang dial ng radyo niya ang gumalaw.

Salamat, Nes, sa iyong report. Hayaan mo't ipapaalam ko sa aming technician.

Jacky Cheng binubuksan ang ating programa sa awiting "Everybody" na hango sa kanyang "Are You Falling in Love" album.

Isa si Jacky sa mga hinahangaan kong Chinese artists. Napaka-versatile niya talaga.

Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Naku, marami tayong SMS. Tingnan natin itong mula sa 0090 533 232 3137. Sabi: "Kumusta na, Kuya Ramon. Long time no see pero hindi long time no hear. All the time, I listen naman. Huwag magwo-worry dahil listen ako nang listen."

Thank you sa SMS.

May sinasabi naman ang 917 351 9951 hinggil sa hindi pagkakapantay ng mundo. Sabi niya: "Siguro talagang hindi pantay ang mundo. Merong halos walang pamasahe sa trabaho at eskuwela samantalang meron namang nagbibilang ng kotse sa garahe."

Salamat sa iyo. Ako wala pareho, hehehe.

Apo Hiking Society at ang isa sa mga pinabantog nitong awiting "When I Met You" Iyang track na iyan ay lifted sa collective album na pinamagatang OPM Greatest Hits Vol. 1

Sabi ng SMS mula sa 0086 1352 023 4755: "Ay naku, huwag naman silang ganyan, Kuya Ramon. Pati mga pribadong buhay ng mga tao gusto nilang ilantad sa buong mundo. Wala bang karapatan ang isang tao sa pribadong buhay? Hindi ba paglabag iyun sa karapatang pantao?"

Thank you. Alam ko kung sino o sinu-sino ang tinutukoy mo.

Iyan naman ang isa sa mga paborito kong Filipino artists, Tillie Moreno, sa kanyang "Saan Ako Nagkamali". Ang cut o track na iyan ay hango sa "OPM-Hit Revivals" album.

SMS naman mula sa 919 651 1659: "Sa tingin ko, kahit papaano, meron tayong maipapakitang maganda sa darating na Olimpiyada. Maganda naman ang result ng mga pagsasanay ng Pinoy athletes sa ilalim ng Chinese mentors."

Maraming-maraming salamat sa iyong SMS.

Mula sa collective album na "OPM Greatest Hits Volume 1", iyan ang "Reaching Out" na inihatid sa ating masayang pakikinig ni Gary Valenciano.

May mga SMS pa mula sa 915 807 5559, 917 483 2281, 919 426 0570 at 917 351 9951, pero kapos na tayo sa oras kaya bukas ko na lang babasahin ang inyong mga mensahe.

Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.