• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-24 17:50:48    
Beijing, pinabubuti ang kapaligirang ekolohikal para sa Olympic Games

CRI
Ang pamantayan sa pagsukat sa kalidad ng atmospera sa Beijing ay tinitingnan kung gaano kakapal ang polusyon sa papawirin. Noong 2006, may 241 araw sa buong taon na umabot sa ika-2 grado ang index ng polusyon sa atmospera. Kapag umabot sa ika-2 grado ang index ng polusyon, ang pakiramdam ng mga tao ay sariwa ang hangin at walang masamang pakiramdam. Ipinahayag pa ni Shi Hanmin na binabalak ng lunsod ng Beijing na magkaroon ng mas maraming araw na aabot sa ika-2 grado ang index ng polusyon sa hangin sa taong 2007.

"Noong 2006, umabot sa 241 araw na 66% ng buong taon at ang target sa taong 2007 at paabutin sa 245 araw na 67% ng buong taon."

Liban sa polusyon sa atmospera, ang polusyon sa water resources ay isa ring pinakamalubhang problemang kinakaharap ng Beijing. Kaugnay ng problemang ito, ipinahayag pa ni Shi Hanmin na alinsunod sa kalagayang di-sapat ang water resources at polusyon sa tubig sa Beijing, puspusang nagsisikap ang pamahalaan na pag-ibayuhin ang mga gawain sa pagkontrol sa polusyon sa tibig, buong lakas na protektahan ang pinanggagalingan ng inuming tubig.

Noong 2006, natapos na ang mga gawain sa pagkontrol sa mga pangunahing ilos sa karatig purok ng Beijing. Bagama't ang kalidad ng tubig sa ibabang bahagi ng mga ilog sa lunsod ng Biejing ay hindi pa ganap na umaabot sa takdang pamantayan, pero napabuti na rin at patuloy na napataas ang kakayahan sa paglutas sa polusyon sa tubig sa kalunsuran.

Bukod dito, pinahihigpit din ng Beijing ang pagmamanihala sa paglutas sa mga walang halagang bagay na buo at matigas at sa invironmental radiation. Puspusang pinagbubukod-bukod ang mga basura. Umabot din sa mataas na proporsyon ang paglutas sa mga hindi nakasasamang basura sa kalunsuran at sa karatig purok.

Ang 2007 ang siyang mapagpasyang taon sa paghahanda para sa Beijing Olympic Games. Ipinahayag ng panlunsod na pamahalaan ng Beijing patuloy na ituturing na mahalagang gawain ang pagkontrol sa polusyon sa papawirin samantalang pasusulungin ang pagkontrol sa polusyon sa tubig, kaingayan at mga walang halagang bagay na buo at matigas. Lulutain ang mga problema hinggil sa kapaligirang nakakaimplusensiya sa kalusugan ng masa at sa tuloy-tuloy na pag-unlad. Buong lakas na gagawing mabuti ang iba't ibang gawain sa paghahanda para sa Olympic Games.