• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-27 20:30:47    
Artistang Tsino, nagbibigay-pansin sa pamumuhay ng mga migrant workers

CRI
Para mailantad ang mga problemang panlipunan. Ang kanyang mga simple at maigsing kathang pampanitikan ay nagmumula sa pamumuhay at sumasalamin sa pamumuhay na tigib ng damdaming makatao, kaya lubos na kinagigiliwan ng mga karaniwang mamamayan. Samantalang ang mga magsasakang bumubuo ng nakararaming populasyon sa Tsina ang siyang laging nagiging bida sa kanyang maigsing kathang pampanitikan.

Dahil malaki ang kaibhan ng pamumuhay sa kalunsuran at sa kanayunan ng Tsina, nahaharap sa iba't ibang kahirapan at mga di-kasiya siyang bagay ang mga magsasaka sa kalunsuran sa kanilang paghahanap ng trabaho para sa kanilng ikabubuhay. Ganap na nailantad nang buhay na buhay sa mga maiigsing kathang pampanitikan ni Huang Hong ang tunay na pamumuhay ng mga magsasaka na may kahalong kasayahan at kalungkutan. Nakaaantig damdamin at nakapagpapatawa pa't may nadaramdamang kapaitan.

Sapul nang pumasok sa panibagong siglo, higit nang pinagmamalasakitan ng pamahalaan at sambayang Tsino ang kalagayan ng mga magsasakang nagtatrabaho sa kalunsuran. Sinabi ni Huang Hong: "Sa palagay ko, para sa isang magaling na artista, ang pinakamahalagang bagay na nakakintal sa kaibuturan ng kanyang puso ay ang responsibilidad sa lipunan."

Ayon kay Huang Hong, ang kanyang mga maiigsing kathang pampanitikan tungkol sa mga magasasaka sa kalunsuran ay unang-unang itinatanghal niya sa mga lugar kung saan nagtitipon ang mga magsasakang nagtatrabaho sa kalunsuran. Kapag nakapagpatawa na sa mga manggagawa ang kanyang mga katha, nangangahulugang nagtagumpay na siya.