• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-08-27 20:36:11    
Ideyang "Luntiang Olimpiyada" ng 2008 Olympics

CRI
Kabilang sa tatlong konseptong iniharap ng Beijing 2008 Olympic Games ang pagkakaroon ng "Luntiang Olimpiyada". Ang proseso sa paghahanda ng Olympic Games ang siya ring proseso para sa pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal. Ipinahayag kamakailan ng Environmental Protection Bureau ng Beijing na napasulong noong 2006 ang mga gawain sa pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal.

Ang problemang natagpuan ng maraming malalaking lunsod sa daigdig ay siya ring problemang natagpuan ng Beijing. Ang Beijing habang umuunlad nang may kabilisan ay nahaharap din sa problema ng polusyon sa kapaligiran. Nahaharap ng mahabang panahong pagsubok ang mga gawain sa invironmental protection sa purok ng Beijing.

Itinatampok ng pamahalaang panlunsod ng Beijing ang mga gawain sa pangangalaga sa kapaligiran batay sa estratehikong balak sa paghahanda ng Olympic Games at pagtatatag ng panibagong Beijing. Samantalang walang tigil na pinabubuti ang gawaing ito. Sa gayo'y nagharap ng seryeng mahahalagang hakbangin para malutas ang problema ng polusyon sa kapaligiran at ekolohikal na proteksyon. Sinabi ni Shi Hanmin, direktor ng Environmental Protection Bureau ng Bejing, na,

"Iginigiit ng lunsod Beijing na ituring na pinakamahalagang gawain ng buong lunsod ang pagpapabuti ng kalidd ng kapaligiran. Sapul noong 1998 hanggang 2006, nakapagsagawa na ang Beijing ng halos 200 aytem ng mga hakbangin para makontrol ang polusyon sa atmospera at nahahati iyon sa 12 yugto."

Ipinahayag ni Shi Hanmin na umaabot sa himigit kululang sa 20 bilyong Yuan Renminbi ang nailaang salapi ng lunsod Beijing noong 2006 para sa pangangalaga sa kapaligiran, samantalang naragdagan noong 2006 ang kabuuang halaga ng produksyon sa purok ng Beijing, nabawasan naman ang bolumen ng paglabas ng mga bagay na nagdudulot ng polusyon sa atmospera at tubig. Nangangahulugang habang yumayabong ang ekonomiya, nakokontrol naman ang polusyon sa kapaligiran. Tuloy-tuloy na 8 taong naisakatuparan ng Beijing ang pagpapabuti ng kalidad ng kapaligiran ng atmospera.

"Mula noong 1998, nakapagsagawa na ang Beijing ng 200 aytem ng mga hakbangin sa pagkontrol ng polusyon sa atmospera na nahahati sa 12 yugto, kabilang sa mga pangunahing tungkulin ang pagsasaayos ng estruktura ng energy resources at pagpapalaki ng proporsyon sa paggamit ng malinis na energy resources. Nakapagsagawa na rin ang Beijing ng ilang hakbangin para mabawasan ang polusyong dulot ng usok ng karbon."