|

Maraming marami ang mga turistang dayuhang nakatira sa Lvsongyuan Hotel bawat taon. Nangangailangang magrereserba nang maaga ng isang buwan sa mga silid doon.
Si Ginoong Aronud Teissier at ang kanyang girlfriend ay galing sa Pransya, ito ang kanyang kauna-unahang paglalakbay sa Beijing. Dahil sa mungkahi ng kanilang kaibigan, pinili nilang makatira sa Lvsongyuan Hotel. Ikinasisiya nila ang hotel na ito. Sinabi ni Teissier na:

"Nagpalipas kami ng magandang bakasyon sa Lvsongyuan Hotel na may katangian ng Beijing. Mahusay ang serbiyo ng hotel at masiglang tinulungan kami ng mga kaibigang Tsino. Kung ihahambing sa ibang lugar sa Beijing, mataas ang lebel ng Engles ng mga tauhan dito para sa pagpapalitan. Ang kondisyon ng pagkatira dito ay lumapit sa pamantayan ng pandaigdigang hotel na komersyal. Magpakailanman'y tatandaan namin ang masayang panahon nang makatira dito."
Tulad ni Aronud Teissier, naramdaman ng maraming turista mula sa iba't ibang sulok ng daigdig ang pamumuhay ng lumang Beijing sa Lvsongyyuan Hotel. Maaaring makita ninyo sa courtyard ang mga turistang nagpapainit at umiinom ng serbesa o kape, pinanonood ang aklat o pahayagan o nag-aahedres sa panahon ng kanilang malayang oras sa hapon.

Natatandaan pa hanggang ngayon ni Ginang Zhangyan, isang kawani na nagtatrabaho sa nasabing hotel nang halos 20 taon, ang pagkatira ni Ginoong Seiji Qzawa, kilalang konduktor ng Hapon, nang idaos niya ang konsiyerto sa Beijing. Isinalaysay niya na:
"Sinabi ni Seiji Qzawa na kung makakatira siya sa star hotel, hindi malalaman niyang kung saan siya nang gumising. Magkatulad ang mga marangyang hotel sa iba't ibang bansa. Tanging makakatira dito lamang, saka nalelealisa kong nasa Tsina ngayon nang gumising ako. Gusto kong hanapin ang matandang atmosperang pangkultura dito at bagay na naiwan ng lumang Beijing. Nasa kapaligiran ng quadrangle, saka lamang madaramdaman ng mga turista ang estilo ng pamumuhay ng lumang Beijing."

Bukod sa Lvsongyuan Hotel, may iba pang hotel sa mga quadrangles sa Beijing. Kung bibisita kayo sa Beijing, welkam sa naturang uri ng hotel para maramdaman ang pamumuhay ng mga taga-Beijing.
|