Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Para sa ating pambungad na bilang, narito ang isa sa aking mga paboritong tinig, tinig ni Dao Lang, sa awiting "The Wonder of Xinjiang".
Iyan si Dao Lang sa awiting "The Wonder of Xinjiang" na buhat sa kanyang album na pinamagatang "The First Snow in 2002". Gaya ng nasabi ko, si Dao Lang ay isa sa mga paborito kong mang-aawit na Chinese. Ang isa pa ay si Jacky Cheng.
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr. ang inyong loving DJ.
Sabi ng 915 807 5559: "Kuya, minalas ang mga basketbolista natin. Hindi sila pumasok sa Olympics. Eliminted sila. Inako ni Coach Chot Reyes ang responsibility. Siguro talagang hindi atin.
Salamat. At least, ginawa ng nationals ang kanilang magagawa. Okay na rin iyon--para sa akin, ha?
"Stranger on the Shore". Tampok si Acker Bilk sa Clarinet. Iyan ay buhat sa "Clarinet Moods" album.
Mukhang marami talagang gustong manood ng 2008 Beijing Olympic Games. Narito pa ang text message ng isang listener na gustong magpunta sa Beijing. Sabi: "Sana makapunta ako sa Beijing sa 2008. Malapit na iyon. Ilang tulog na lang. Gusto kong mapanood ang opening ng Olympics. Alam kong pinaghahandaan ito nang maigi ng China."
Iyan ay buhat sa 917 483 2281. Thaks sa SMS. Sana nga makapunta ka.
Linda Cassidy sa awiting "Time After Time" na lifted sa "Timeless" album ni Sergio Mendes.
Olympic countdown naman. Sabi ng 919 426 0570: "Patuloy pa rin kami ng pagsabay sa inyo sa Olympic countdown. Palapit ito nang palapit at palaki din nang palaki ang excitement. Maraming nakaabang at naghihintay.
Thank you. Talagang lumilipad ang mga araw, ano?
Barry White sa kanyang "Love's Theme" na hango sa collective album na "Closer: When Pop Meets Jazz". Ang tugtuging iyan ang theme ng TV series na "The Love Boat".
Maraming salamat sa lahat ng mga nagpadala ng SMS, snail mail at e-mail. Inaasahan namin ang inyong patuloy na pakikipag-ugnayan sa amin by any means possible--naks naman...
At hanggang diyan na lang ang ating pagtatanghal sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|