• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-03 10:23:50    
Huang Rulun: ang yaman ko ay galing sa mga mamamayan at dapat ito gamitin para sa mga mamamayan

CRI
Ang pag-aabuloy ni Huang Rulun ay, pangunahin na, sa larangan ng edukasyon. Nitong mahigit 10 taong nakalipas, mahigit 170 paaralang kinabibilangan ng Peking University, Renmin University of China at iba pa ang tumanggap ng kaniyang abuloy. Bukod dito, nag-abuloy din siya ng 180 milyong Yuan RMB para sa pagtatatag ng isang college sa kaniyang lupang tinubuan, Fujian. Hanggang sa kasalukuyan, umabot sa 970 milyong Yuan RMB ang kabuuang pondo na iniabuloy niya para sa kagalingang pampubliko. Kugnay nito, sinabi ni Huang na:

Dapat ipauna ang kawanggawa sa pagtatatag ng may hormonyang lipunan. Ang tagumpay ko ay hindi dahil sa aksidental na pagkakataon, kundi sa pagkatig ng lupang tinubuan at patakaran ng pamahalaan. Ang yaman ko ay galing sa mga mamamayan at dapat ito gamitin para sa mga mamamayan. Kaya, dapat ibalik ko ang mga nakamit ko sa lipunan, lalong lalo na sa larangan ng kultura't edukasyon, dahil ito ay may pinakamalaking katuturan para sa pag-unlad ng lokalidad."

Si Huang ay isinilang sa bayan Lian Jiang ng lalawigang Fujian. Noong 1986, pumunta siya sa Pilipinas para pasimulan ang kaniyang negosyo. Noong 1991, umuwi siya at itinatag ang Century Golden Resources Group. Sa kasalukuyan, umabot sa mahigit 10 bilyong Yuan ang kaniyang ari-arian. Kinatagpo kamakailan ni pangulong Hu Jintao ng Tsina si Huang at ang iba pang kinatawang kalahok sa Fellowship Conference ng mga organisasyon ng mga mandaragat at etnikong Tsino ng buong daigdig. Kugany nito, sinabi ni Huang na:

"Ako'y anak ng magsasaka. Kasabay ng tagumpay ng karia ko, may nagawa rin akong mga bagay hangga't makakaya ko para sa lupang tinubuan at inang-bayan. Ang pakikipagtagpo kay pangulong Hu ay isang malaking pamapsigla para sa akin. Lubos na minamahal ko ang inang-bayan at nakahandang puspusang magsikap para mag-alay ng kakaunting ambag para sa pagtatatag ng may harmonyang lipunan at pag-unlad ng kabuhayan."