• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-04 11:07:18    
Agosto ika-27 hanggang Setyembre ika-2

CRI

Ipinahayag noong Miyerkules sa Beijing ni Heng Samrin, pangulo ng Pambansang Asembleya ng Kambodya, na hindi magbabago ang paggigiit ng royal family, pamahalaan, pambansang asembleya at mga mamamayan ng Kambodya sa patakarang isang Tsina at ipinalalagay nila na ang Taiwan ay laging isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina. Winika ito ni Heng sa pagtatagpo nila ni tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC ng Tsina. Sa pagtatagpo, binigyan ng kapwa panig ng positibong pagtasa ang relasyong pangkaibigan ng NPC at pambansang asembleya ng Kambodya. Ipinahayag din nila na ituturing ng dalawang bansa ang kanilang mga nilagdaang dokumentong pangkooperasyon bilang pagkakataon para mapanatili ang pagdadalawan sa mataas na antas at mapasulong ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan nang sa gayo'y magbigay ng bagong lakas sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Pagkaraan ng pagtatago, nilagdaan nina Wu at Heng ang kasunduang pangkooperasyon ng NPC at pambansang asembleya ng Kambodya.

Sa kanyang pakikipagtagpo noong Martes sa Beijing kay Phung Quang Thanh, ministro ng tanggulang bansa ng Biyetnam, sinabi ni pangalwang pangulong Zeng Qinghong ng Tsina na ang pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam ay nagdudulot ng aktuwal na interes sa mga mamamayan ng dalawang bansa at ito ay angkop sa komong mithiin ng kanilang mga mamamayan, nakakabuti sa reporma, konstruksyon at pag-unlad ng dalawang bansa at nakakabuti rin sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong ito. Sinabi naman ni Phung na ang pagpapaunlad ng pangkaibigan, komprehensibo at matibay na relasyong pangkooperasyon sa Tsina ay may priyoridad na pagsasaalang-alang ng patakarang panlabas ng Biyetnam. Umaasa anya ang Biyetnam na lalo pang mapapahigpit ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa at mapapalakas ang pangkaibigang kooperasyon ng dalawang tropa para buong sikap na mapalalim ang pagkaibigan ng Biyetnam at Tsina.

       

Nauna rito, nag-usap noong Lunes ang mga Ministro ng Tanggulang Bansa na sina Cao Gangchuan ng Tsina at Phung Quang Thanh ng Biyetnam. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa kalagayang pandaigdig at panrehiyon, relasyon ng dalawang hukbo at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan. Ipinahayag ni Cao na ang walang humpay na pagpapalakas at pagpapaunlad ng relasyon ng mga hukbo ng Tsina at Biyetnam ay hindi lamang angkop sa interes at mithiin ng mga mamamayan ng 2 bansa, kundi nakakabuti sa kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig.Sinabi naman ni Phung Quang Thanh na nakahanda ang kaniyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para mapalalim ang kanilang pagtitiwalaan, mapalawak ang kooperasyon at patuloy na mapasulong ang relasyon ng 2 hukbo at 2 bansa. Pagkaraan ng pag-uusap, dumalo sila sa seremonya ng paglalagda ng "kasunduang pangkooperasyon sa seguridad sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam".

Natapos noong Martes ang opisiyal na pagdalaw sa Tsina ni Bouasone Bouphavanh, Punong Ministro ng Laos at lumisan ng Kunming siya pauwi. Noong ika-22 ng buwang ito, dumating ng Beijing si Bouasone para pasimulan ang kaniyang isang-linggo na opisiyal na pagdalaw sa Tsina. Magkakasunod na dumalaw siya sa Beijing, Lalawigang Liaoning, Lalawigang Hunan at Lalawigang Yunnan. Ito ang kaniyang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina sapul nang manungkulan siya bilang Punong Ministro ng Laos noong Hunyo ng nagdaang taon.

        

Sa Xi'an, punong lunsod ng Lalawigang Shaanxi ng Tsina. Iniabot dito noong Martes ng China Aviation Industry Corporation I Xi'an Aircraft Industry (Group) Limited Liability Corporation ang 2 Morden Ark-60 eroplano sa Pigeon Flights Indonesia o PFI. Napag-alamang bumili ang PFI ng 15 naturang uri ng eroplano mula sa naturang kompanya ng Tsina at iaabot ang nalalabing 13 eroplano sa malapit na hinaharap.