• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-05 19:49:45    
Steamed silvery pomfret

CRI

Mga Sangkap

250 gramo ng kulay silver na pomfret
4 na hiwa ng winter bamboo
4 na hiwa ng hamon
4 na piraso ng kabute
10 gramo ng rice wine
3 gramo ng asin
4 na gramo ng scallions
5 gramo ng luya
1 gramo ng vetsin
10 gramo ng vegetable oil
200 gramo ng tubig

Paraan ng Pagluluto

Alisin ng kaliskis, hasang at lamang-loob ang isda. Hugasan at pagkatapos lagyan ng ilang hiwang pahilis ang magkabilang tagiliran.

Mag-init ng 200 gramo ng tubig sa kaldero, pakuluin at pagkatapos ihulog ang isda. Pakuluan sa loob ng isang minuto at pagkatapos alisin.

Ilagay ang isda sa plato, pahiran ng rice wine, asin, vetsin at vegetable oil. Susunod, samahan ng kabute, winter bamboo, hamon, scallions at luya. Pasingawan sa loob ng 10 minuto. Alisin ang scallions at luya at pagkayapos isilbi.