• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-06 10:49:09    
Mga pamana sa Kuche ng Xinjiang

CRI

Si Ginoong Teng Shaozhen ay isang namamahalang tauhan ng ahensiyang panturista mula sa Autralya. Ipinalalagay niyang kaakit-akit ang malalim at masaganang kultura ng Xinjiang para sa paglalakbay. Sinabi niya na,

"Maraming maraming magagandang tanawin sa Xingjiang. Bukod sa pagbisita sa mga tanawing ito, malalaman din ninyo ang kultura dito. Sa pamamagitan ng pagpapa-unlad ng turismo, buong pagmamalaking isinasalaysay ng Tsina ang kasaysayan nito sa buong daigdig. Kukuha ako ng maraming larawan para makatawag ng interes ng mga turistang dayuhan. Sa tingin ko, napakalaki ng nakatagong lakas ng pag-unlad ng turismo ng Xinjiang."

Binuksan dito sa Kuche noong nakaraang Hulyo ang ika-4 na pandaigdigang pelikulang panturista ng Xinjiang at pelikulang panturista at pangkultura ng Qiuzi. Ilang libong mangangalakal na may kinalaman sa turismo mula sa 22 bansa ng daigdig at iba't ibang lugar ng Tsina ang nagtipun-tipon dito para damhin ang kaakit-akit na kultura ng Qiuzi. Buong pagkakaisang ipinahayag nilang napakasagana ng yamang panturista ng Xinjiang at napakalaki ng nakatagong lakas ng pag-unlad ng turismo nito. Tiyak anilang ito ay magiging pokus ng atensiyon ng turismong pandaigdig.

Kilalang kilala pa rin ang musika at sayaw ng Qiuzi sa Kuche. Kaya, ang Kuche ay tinawag na "lupang tinubuan ng mga awit at sayaw". Lumaganap at naka-impluwensiya minsan ang mga awit at sayaw doon sa Hapon, Hilagang Korea, Persia, Biyetnam, India, Arabia, Hilagang Aprika at iba pang bansa at rehiyon sa daigdig.

Ipinalalagay ni Ginoong Hu Wei, pangalawang tagapangulo ng naturang rehiyong awtonomo na napakalawak ng prospek ng pag-unlad ng industryang panturista ng Xinjiang sa hinaharap. Sinabi niya na,

"Gagawin naming itong kawil para walang humpay na mapahigpit ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng iba't ibang etnikong grupo ng rehiyong ito at mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa daigdig at mapasulong ang pagtitiwalaan at pagtutulungan. Taos-pusong inaanyayahan naming maglakbay sa Xinjiang ang mas marami pang kaibigang dayuhan para madama nila ang mahabang kasaysayan at kultura at magandang tanawin ng rehiyong ito."