• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-06 10:50:45    
Perhaps Love, OST ng Pelikulang "Perhaps Love", Jacky Cheung

CRI
Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.

Kung meron kayong mensaheng gustong iparating sa amin, iteks lang ninyo sa 921 257 2397 o i-e-mail sa filipino_section@yahoo.com.

"Awit ng Kapanglawan", inihatid sa ating masayang pakikinig ni A Sang. Ang track na iyan ay buhat sa album na may katulad na pamagat.

Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.

Sabi ni Randolph ng Baguio City, nagustuhan daw niya iyong "The Wonder of Xinjiang" ni Dao Lang. Salamat, Randolph. Talaga namang maganda iyong kanta-at pati boses ng kumanta.

SMS mula sa 919 302 3333: "Bawat mamamayan ay may tungkulin sa bayan. Huwag magrereklamo na maraming basura kung ikaw mismo ay kasama sa mga nagkakalat. Makipagtulungan muna tayo bago magreklamo."

Thank you. Makabuluhan at kapakipakinabang ang mensahe mo.

Iyan naman si Kitchie Nadal sa awiting "Bawat Bata" na hango sa "The Best of APO Hiking Tribute" album.

Meron tayong dalawang mensahe buhat sa 915 807 5559. Sabi ng una: "Salamat kuya sa pagtugon mo sa mga request ko. Bumawi ka na lang pag medyo nakaluwag-luwag ako. Medyo ikot pa ang ulo ko ngayon. Thanks sa malasakit. Makakaganti rin ako." Sabi naman ng pangalawa: "Salamat sa paghahanda ng may-kabuluhang programa. Salamat sa pagbibigay ninyo sa amin ng aliw at saya kung Sabado't Linggo."

Thanks sa iyong mga SMS, 915 807 5559.

Narito naman ang ating second Chinese song.

Jacky Cheung at ang kanyang awiting "Perhaps Love" na original sound track ng pelikulang may katulad na pamagat.

Sabi ng text message ni Manuela ng 917 401 3194: "Ang water resources ay nababawasan dahil sa pagdami ng tao. Huwag nang hintaying kapusin tayo sa tubig. Ngayon pa lang, magtipid na tayo sa tubig."

Thank you, Manuela. Tama iyan. Ugaliin natin ang pagtitipid sa tubig.

"The music legend", Stevie Wonder, sa awiting "Lately" na lifted sa "A Time to Love" album.

Sabi ni Buddy "Boy" Basilio ng M/V Aldavaran, Singapore: "Pareng Ramon, hindi ako nakakasulat o nakakateks sa iyo nang madalas pero gaya ng kinagawian, patuloy kami sa pagsubaybay sa lahat ng inyong mga programa."

Thank you at okay lang, Pareng Buddy. Kumusta sa lahat ng mga kaibigan diyan sa M/V Aldavaran.

Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.