• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-07 17:43:00    
Mga preliminaryong paligsahan, praktikal na paghahanda ng 2008 Olympics

CRI
Sabi pa ni Yang Shu'an na sa pagdaraos ng anumang paligsahang pampalakasan, higit sa lahat, tulad ng Olympic Games, isang napakahalagang gawain ang pagtakda ng mga pangkagipitang paunang plano para matugunan ang biglaang insedente.

Ang iba't ibang problemang di inaasahang matagpuan sa panahon ng pagsubok na paligsahang "Good Luck Beijing" ay makatutulong sa pagpapabuti ng mga pangkagipitang preliminaryong plano ng Beijing Olympic Games. Magkakaroon iyon ng positibong impluwensiya sa matagumpay ng pagdaraos ng Beijing Olympic Games. Sinabi ni Yang na,

"Tulad halimbawa, kapag biglang bumuhos ang malakas na ulan habang idinaraos ang paligsahan sa labas, paano iyon lulutasin, papaano isasaayos ang naapektuhang paligsahan, marahil lahat ng mga tagapagtatag ay masasabing makatatagpo ng mga ganitong problema at kailangang gumawa sila ng kinakailangang paghahanda."

Bagamat sa pagsubok na paligsahang "Good Luck Beijing" ay gaganapin ang lahat ng priliminaryong paligsahan sa Beijing 2008 Olympic Games, pero ang seryeng paligsahang iyo'y may kaibhan sa esensiya ng Beijing Olympic Games.

Binigyang diin ni Yang Shu'an na bagama't ang lugar na pagdarausan ng paligsahang "Good Luck Beijing" ay walang pagkakaiba sa lugar na pagdarausan ng Olympic Games. Pero dahil sa ang tanawin at ang instalasyon sa lugar na pagdarausan ng Olympic Games ay gagayakan at aayusin nang magkakapare-pareho ng Komite ng pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games bago ganapin ang Beijing 2008 Olympic Games. Dahil dito, kahit na ang mga instalasyon sa pagsubok na paligsahan ay ganap na umaalinsunod sa Olympic Games, pero ang mga lugar na pagdarausan ng pagsubok na paligsahan ay hindi ganap na kapareho ng sa panahon ng Olympic Games. Sa gayon, ganito ang sinabi ni Mr. Yang Shu'an,

"Sa pamamagitan ng seryeng paligsahang pampalakasan "Good Luck Bejing", susubukan namin ang mga himnasyong pagdarausan ng Olympic Games. Ang mga ganitong pagsubok, pangunahin na'y para malaman kung matutugunan ba ng mga technical system at functional installation ang pangangailangan ng Olympic Games."

Sa gayon, mga kaibigan, kung kasali kayo sa mga gawain ng seryeng paligsahang "Good Luck Beijing", huwag ninyong aasahang ang lahat ng paligsahan ay kapareho ng sa panahon ng Olympic Games. Sapagkat ang mga paligsahang iyon ay hindi kapareho ng Olympic Games.

Anuman ang mangyari, ang seryeng paligsahang pampalakasang "Good Luck Beijing" ay isang pagkakataon para masanay ang mga tauhang kalahok sa paghahanda ng Olympic Games sa lahat ng aspekto. Ipinahayag ni Yang Shu'an na ang lahat ng functional department na kasali sa mga gawain ng pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games ay buong taimtim na lalahok sa mga gawain.

Sa wakas ay taos pusong hinahangad ni Yang Shu'an na ang iba't ibang sirkulo ng lipunan ay aktibong lalahok at susuporta sa mga paligsahang iyon at tutulungan ang komite ng pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games sa pangangalap at paglalagom ng karanasan. Sa gayon ang seryeng pagsubok na paligsahang pampalakasang "Good Luck Beijing" ay magiging kapakipakinabang na reperensiya ng komite ng pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games para sa matagumpay na pagdaraos ng 2008 Olympic Games.