Nagtagpo noong Araw ng Linggo sa Sydney ng Australya sina pangulong Hu Jintao ng Tsina at pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Ipinahayag ni Hu na nitong ilang taong nakalipas, madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas ng dalawang bansa, walang humpay na lumalakas ang kanilang pagtitiwalaang pulitikal at kapansin-pansin ang bunga ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan. Nakahanda anya ang panig Tsino, kasama ng panig Pilipino, na ibayo pang pasulungin ang estratehikong pagtutulungan ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni GMA na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaan at mga mamamayang Pilipino ang minam na relasyon nila ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino at pinasalamatan niya ang Tsina sa pagbibigay-tulong sa Pilipinas para sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan. Kaugnay ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan, umaasa ang dalawang panig na mapapalakas ang pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan sa larangan ng pagmimina, imprastruktura, turismo at iba pa. Kaugnay naman ng magkakasamang paggagalugad sa South China Sea, ipinahayag ng dalawang panig na patuloy silang magsisikap para mapasulong ang pagkamit ng substansyal na progroso ng pagtutulungang ito sa lalong madaling panahon.
Kinatagpo noong Lunes sa Maynila si Cao Gangchuan, dumadalaw na ministro ng tanggulang bansa ng Tsina, ni pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Sinabi ni Arroyo na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Pilipino ang pagpapaunlad ng pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan, kinakatigan ang pragmatikong pagpapalitan at pagtutulungan ng mga tropa ng dalawang bansa at pinalalalim ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan ng dalawang panig sa larangang pangkatiwasayan. Inulit din niya na matatag na nananangan ang kanyang pamahalaan sa patakarang isang Tsina at iginagalang ang paninindigan ng pamahalaang Tsino sa isyu ng Taiwan.Sinabi naman ni Cao na magkasamang itinakda nina pangulong Arroyo at pangulong Hu Jintao ng Tsina ang pumapatnubay na prinsipyo sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa hinggil sa pagtatatag ng estratehikong relasyong pangkooperasyon na nakakatuon sa kapayapaan at kaunlaran at nagturo ito ng direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Pinasalamatan niya ang pananangan ng pamahalaang Pilipino sa patakarang isang Tsina at umaasang mapananatili nito ang pagmamatyag sa mga aksyon ng "pagsasarili ng Taiwan".
Nauna rito, nag-usap sina Cao at Gilbert Teodoro, kalihim sa tanggulan ng Pilipinas. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa kalagayang pangkatiwasayan sa rehiyon at daigdig, relasyon ng mga tropa ng dalawang bansa at mga iba pang isyung kapwa nila pinahahalagahan. Sa pag-uusap, sinabi ni Cao na kasunod ng walang humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, nananatiling mainam ang tunguhin ng pagpapalagayan ng mga tropa ng dalawang bansa at natamo nila ang maraming positibong bunga. Pinasalamatan din niya ang pananangan ng panig Pilipino sa patakarang isang Tsina at umaasang patuloy na igigiit nito ang reunipikasyon ng Tsina. Sinabi naman ni Teodoro na nakahanda ang panig Pilipino na magsikap, kasama ng panig Tsino, para patuloy na mapasulong ang pangkaibigang pagpapalagayan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangang militar. Ipinahayag din niya na matatag na iginigiit ng pamahalaang Pilipino ang patakarang isang Tsina at hindi isasagawa ang anumang opisyal na pakikipagpalagayan sa Taiwan. Sa paanyaya ni Teodoro, dumating kahapon ng Maynila si Cao para pasimulan ang kanyang 4 na araw na opisyal na dalaw na pangkaibigan doon.
Nang araw ring iyon, kinausap din si Cao ni ispiker Jose De Venecia ng mababang kapulungan ng Pilipinas.
Nagtagpo noong Sabado sa Sydney sina pangulong Hu Jintao ng Tsina at pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesya. Sa pagtatagpo, binigyan nina Hu at Susilo ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang bansa. Tinukoy ni Hu na nakahanda ang Tsina na palawakin ang pakikipagtulungan sa Indonesya sa aspekto ng paggagalugad at paggamit ng malinis na enerhiya, pagdedebelop ng alternative energy at new energy at iba pa. Ipinahayag din ni Hu na umaasa ang Tsina na magsisikap, kasama ng Indonesya, para mapasulong ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at ang kooperasyon ng APEC.
|