Ang pagkalugod ng mga Tsino sa mga humuhuning kaliglig ay higit pa sa gayuma ng kanilang magandang tinig kaysa sa kanilang walang hanggang kasiglahan. Ang kakayahan ng mga kuliglig sa pangingitlog ng daan-daan ay kaisa sa matandang paniniwala ng mga Tsino na ang tagumpay ay nakakamtan ng mga may maraming anak.
Sa lumang panahon, naging karaniwan ang paghahangad para sa kanilang mga kaibigan ng pagkakaroon ng maraming anak na kasing dami ng mga anak ng kuliglig. Sa kanyang aklat na inilabas noong 1578, inirekomenda pa nga ng kilalang manggagamot Tsino na si Li Shizheng ang mga kuliglig na pinatuyo, dinurog at hinaluan ng tubig na inumin bilang isang klase ng aphrodisiac.
Karamihan sa mga humuhuning insekto sa bukirin ay manininig kung tag-lagas, may kaugnayan ito sa panahon pati sa pangungulila, kalungkutan at pamimighati sa kapalaran ng sangkatauhan. Madalas mabanggit sa Chinese poetry ang mga humuhuning insekto.
Subalit, bukod sa magagandang melodya ng mga kuliglig, pinahahalagahan din sila dahil sa kanilang kakayahan sa boxing. Ang pagpapalaban sa mga kuliglig ay isang popular na porma ng paglilibang noong lumang panahon.
Ang pinakamaagang publikasyon hinggil sa kung papaano sasanayin ang mga panlabang kuliglig ay lumaba noong panahon ng Song Dynasty (960-1279). Ang klaseng ito ng paligsahan ay naging popular na popular kaya humirang agad ang Tsina ng kauna-unahang Cricket Minister na si Jai Shidao na nanungkulan mula taong 1213 hanggang 1275.
Libo libong kuliglig ang dinadala sa kapitolyo taon taon mula sa buong bansa upang maglabanan. Ang antas ng kaseryosohan hinggil sa paglalabanan ng mga insekto ay nakarawan sa daan daang mga dokumentadong kuwento hinggil sa mga nagpakamatay dahil sa pagkatalo ng kanilang kampiyong kuliglig o sa pagkakita sa kanila na nasugatan hanggang mamatay.
Ang masasayang may-ari ng mga bona fide fighting criket ay madaling makatubo nang malaki mula sa kanila. Ang mga umano'y coach ng kuliglig ay pipili ng mga pinakamalakas na kuliglig na kanilang mahahanap at maingat na pakakainin ng mga buto ng halaman at maliliit na insekto. Isang araw bago ang paligsahan, gugutumin ang kuliglig upang maging agresibo ito.
Dalawang pinagsamang kulilig ang ikukulong sa loob ng hawla upang udyukan silang maglabanan hanggang mamatay. Ang gayong labanan ay umakit ng maraming manunugala sa paglalagay ng malalaking taya. Ang paligsahang ito ay itinuring pa ring isang sport sa Tsina, na makikita sa sadyang paghirang ng Samahan para sa pagpapalaban ng mga kuliglig sa Beijing. Nag-sponsor ang samahan ng mga pambansang torneo na ipinalabas nang lived sa TV ang fifth action ng mga kuliglig na buong kasabikang pinanonood, ipinagbubunyi at sinisigawan ng mga tao.
Dahil sa pinakanakaiinteres na apekto ng Tsina, ang mga kuliglig ay hindi basta mga kuliglig, kundi isang katutubong aspekto ng kanyang tradisyon at kultura.
|