• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-10 19:02:01    
Laruang Tsino, nagdulot ng kaligayahan sa mga bata

CRI

Para sa bawat tao, ang pagkabata ay isang di-makakalimutang panahon. Ang iba't ibang uri ng laruan ay ikinaliligaya ng mga bata. Saan mang sulok sa buong daigdig, ang laruan ay isang di-maaring walang kalaro ng mga bata sa kanilang buhay.

Ang Tsina ay may napakahabang kasaysayan mayroon din itong maraming tradisyonal na laruang gaya ng saranggola, shuttlecock at iba pa. Kasunod ng walang humapay na pag-unlad ng kabuhayang Tsino, lalung lalo na pagkaraan ng reporma't pagbubukas sa labas, nagbago nang malaki ang laruang Tsino, unti-unting pumasok sa pamilihang Tsino ang mga laruang popular na popular sa daigdig. Sinimulang yumari din ang mga bahay-kalakal na Tsino ng mga laruang may modernong estilo na gaya ng manika, plush animals, plastic cars at iba pa. Sa kasalukuyan, bukod sa pagiging kalaro ng mga batang Tsino, ang mga laruang naipoprodyus ng Tsina ay nagbibigay din ng kaligayahan sa mga bata sa iba't ibang lugar ng daigdig. ang Tsina ay may pinakamalaking base ng pagyari ng laruan sa buong daigdig at may mahigipit na pagtutulungan ang mga kilalang bahay-kalakal ng daigdig at mga pabrikang tagapagprodyus ng Tsina. Noong isang taon, lumampas sa 7 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng mga laruang Tsino na katumpas nang 70% ng buong ipinagbibili sa pandaigdigang pamilihan ng laruan. Ang mga larunang Tsino ay ibinebenta sa mahigit 160 bansa't rehiyon ng daigdig at may napakahalagang katayuan sa mga pangunahing pamilihang gaya ng mga bansang EU, E.U. at Hapon. Hinggil dito, isinalaysay ni Ye Shangshui, puno ng isang pabrikang nagpoprodyus ng laruan sa lalawigang Zhejiang ng Tsina na:

"Ang lahat ng produkto namin ay mga laruan-kahoy at iniluluwas sa ibayong dagat. Ang pangunahing kliyente namin ay galing sa EU, E.U. at Hapon. Nagtutulungan kami sa pamamagitan ng mga bahay-kalakal ng kalakalang panlabas. Sa karaniwang kalagayan, nagkakaloob sa atin ang mga kliyente ng sample o blueprint at yumayari kami alisunod sa kanilang kahilingan. Napakataas ng kahilingan ng mga kliyente."

Ang paraang ito ay napakapopular sa mga bahay-kalakal ng Tsina. Yumyaari sila ng mga laruan ganap na alinsunod sa disenyo, processing at istandard ng kalidad at kahilingan ng mga kliyenteng dayuhan. Dahil ang kalidad ng laruan ay may direktang kinalaman sa kalusugan ng mga bata, lubos na pinahahalagahan ito ng mga bahay-kalakal at may kinalamang administratibong departamento ng pamahalaang Tsino at walang humpay na itinatakda ang mga patakaran at hakbangin para superbisahin ang mga bahay-kalakal nagapoprodyus ng laruan. Mula noong Hunyo Uno ng taong ito, sinimulang isagawa ng Tsina ang puwersahang sertipikadong pamamahala sa kaligtasan ng laruan at ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga laruang walang sertipikasyon.