• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-11 19:49:20    
Pamahalaang Tsino, lubos na pinahahalagahan ang kaligtasan ng kalidad ng laruan

CRI
Dahil ang kalidad ng laruan ay may direktang kinalaman sa kalusugan ng mga bata, lubos na pinahahalagahan ito ng mga bahay-kalakal at may kinalamang administratibong departamento ng pamahalaang Tsino. Mula noong Hunyo Uno ng taong ito, sinimulang isagawa ng Tsina ang puwersahang sertipikadong pamamahala sa kaligtasan ng laruan at ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga laruang walang sertipikasyon. Sa isang preskon kamakailan hinggil sa kalidad ng produkto at kaligtasan ng pagkain, ipinahayag ni Li Changjiang, puno ng General Administration of Quality Supervision,Inspection and Quarantine ng Tsina na:

"Bago ang katapusan ng taong ito, dapat itayo ng Tsina ang sitema ng pagsusuperbisa sa lahat ng mga procedure ng pagyari ng mga produkto na gaya ng pagdisenyo, hilaw na materiyal, processing, pagbebenta at serbisyo pagkaraan ng pagbebenta at gayun ding ang isang network ng pagsusuperbisa at pangangasiwa sa kalidad ng produkto na sasaklaw sa buong lipunan. Ang pagsasagawa ng mga hakbanging ito ay sumasagisag na pumasok sa isang bagong yugto ang kalidad ng produkto at kaligtasan ng pagkain ng Tsina at ito ang magpapatibay ng pananalig ng iba't ibang bansa sa mga produktong'Made in China'".

Kaugany ng isyu ng pagpapabalik ng E.U. ng ilang laruang Tsino kamakialan, sinabi naman sa aming mamamahayag ni Wang Xinpei, tagapagsalita ng ministri ng komersyo ng Tsina na:

"Noong isang taon, mga 300 libong pangkat na laruang Tsino ang iniluwas sa E.U. at 29 pangkat lamang ang ipinabalik na katumpas nang isa sa 10 libo. Masasabi, mainam ang kalidad ng karamihan ng mga iniluluwas na laruang Tsino. May mahigpit na kaugnayan sa kalusugan ng bata ang laruan, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang kalidad at kaligtasan nito."