|
Tinatanggap ng Bundok Yuntai ang ilang libong turistang Tsino at dayuhan bawat araw, pero hindi masyadong nag-aalala ang mga turista na tumahak sa maling daan. Saanman makikita ninyo ang mga tabletang maliwanag na ninamarkahan ng direksyon o kinasusulatan ng pagpapakilala ng mga espesyal na purok na panturista sa wikang Tsino, Engles, Timog Koreano at Hapones.
Isinalaysay ni Ginoong Li Jie, pangalawang puno ng kawanihan ng pangangasiwa sa rehiyong panturistang ito, na,
"70% ng mga table ang kinasusulatan ng wikang Tsino, Engles, Timog Koreano at Hapones. Kung magkakaligaw-ligaw ang mga turistang dayuhan, sundan lamang ang paliwanag ng mga tableng ito, mahahanap nila muli nang mas madali ang kanilang kasamahan."
Ginagamit rin sa rehiyong panturista ng Bundok Yuntai ang digital control system. Sa pamamagitan ng sistemang ito, maaaring isaayos ng departamento ng pangangasiwa sa rehiyong ito ang komunikasyon ng bus at tauhan ayon sa bilang ng mga turista, bagay na hindi lamang nagpapahupa ng presyur sa turismo sa rehiyong ito, kundi nakakatipid rin ng oras ng mga turista.
Sa bawat matulaing pook ay may mga pasilidad para sa pagpapahinga ng mga turista. Halimbawa sa pasukan ay may pasilyo-pahingahan at smoking room, at sa tabi ng mga daanan ay may bangko.
Ikinasisiya ang mga ito ni Singaporean Huang Weisen. Sinabi niya na,
"Mahusay ang pasilidad na panserbisyo dito. Napakaganda ng tanawin at napakalinis ng kapaligiran. Relaks na relaks ako sa pamamasyal dito."
Kung maglalakbay kayo sa Tsina, welkam sa Bundok Yuntai sa Lalawigang Henan. Tiyak na mag-iiwan ang mga magagandang bundok at ilog at ang mahusay na serbisyo dito ng mainam na impresyon sa inyong paglalakbay sa Tsina.
|