• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-12 20:29:17    
Konstruksyong kultural sa kanayunan ng Tsina

CRI

Mula noong nagdaang siglo, magkakasamang isinasagawa ng mga departamento ng pamahalaang Tsino ang aktibidad na magpadala ng mga libro sa mga magsasaka sa lugar-hanggahan para tulungan silang yumaman sa pamamagitan ng karunungan at teknolohiya.

Kasabay nito, isinasagawa naman ng mga di-pampamahalaang organisasyon ang mga aktibidad ng "magkabit-kamay" para maging magkakaibigan ang mga bata sa lunsod at nayon at nang sa gayo'y pasulungin ang konstruksyong kultural ng kanayunan.

Ang lupong kultural ng Tsina hinggil sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap na nabuo noong taong 1993 ay nagsisilbing isang di-pampamahalaang samahan ng kawanggawang pampubliko at ang lahat ng working staff ay mga boluntaryo na kusang-loob na naglilingkad sa mga magsasaka sa kanilang spare time.

Nagtipon sila ng yamang-lipunan para tulungan ang mga magsasaka sa mga lugar na liblib na umangat sa kahirapan sa pamamagitan ng kaalamang siyentipiko, at higit pa, nananawagan pa sila sa lipunan na mag-asikaso at magbibigay-tulong sa isa't isa.

Noong taong 1994, magkasamang itinaguyod ng nabanggit na lupon at General Administration of Press and Publication o GAPP ng Tsina ang proyekto ng pagtatatag ng mga reading-room sa ilampung libong nayon at inanyayahan nila ang mga publishing house, aklatan at publiko na nag-abuloy ng mga libro sa mga magsasaka para bumuo ng ganitong reading room. Noong nakaraang mahigit 10 taon, nagkaroon sa buong bansa ng mahigit 90 libong naturang reading room.

Si Zhao Wenpin ay isang magsasaka sa lunsod Tangshan ng lalawigan Hebei sa dakong hilaga ng Tsina, sinabi niya na,

"Marami tayong natutuhan sa mga aktibidad na gaya ng pagkakaloob ng tulong panteknolohiya at pansiyensiya at nakikinabang kaming malaki sa itinatanim na prutas."