• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-12 20:34:50    
Flash-boiled clams with crucian carp

CRI

Mga Sangkap

1 Crucian carp na tumitimbang ng 250 gramo
250 gramo ng halaan
3 piraso ng lutong hamon
5 binalatang labong
1 ibinabad na tuyong kabute
10 gramo ng nasa panahong beddeng gulay
1 scallion stalk
1 hiwa ng luya (dinikdik)
15 gramo ng Shaoxing Wine
3 gramo ng asin
1 gramo ng sili
5 gramo ng pork lard

Paraan ng pagluluto

Ibabad ang halaan sa tubig na may asin sa loob ng tatlong oras hanggang sa maisuka sa tubig ang lahat ng burak at panatilihin itong sariwa. Kunin ang crucian carp at lagyan ng tatlo o apat na hiwang pahilis sa magkabilang tagiliran.

Mag-init ng 500 gramo ng tubig sa kawa at pagkatapos ilagay ang crucian carp, Shaoxing Wine, scallion stalk, luya at labong. Lakasan ang apoy, pakuluin, bawasan ang apoy bago ilaga.

Mag-init ng 500 gramo ng tubig sa ibang kawa, pagkatapos pakuluin. Lagyan ng Shaoxing Wine, isunod ang halaan, lakasan ang apoy bago pakuluin. Kapag bumuka nang husto ang halaan. Alisin ito sa pamamagitan ng pansala tapos ilagay sa soup tureen. Ihulog ang sili. Hayaan munang tumining nang ilang saglit ang clam soup. Ihalo sa crucian carp soup kasabay ng pinatuyong kabute, lutong hamon, berdeng gulay at asin bago pakuluin. Alisin ang mga taba sa ibabaw bago ilagay sa halaan. Ilagay ang crucian carp sa ibabaw ng halaan tapos ilagay ang labong, lutong hamon at pinatuyong kabute sa ibabaw ng crucian carp bilang palamuti. Iayos ang berdeng gulay sa magkabilang tabi ng crucian carp. Pahiran ng kaunting mantika at isilbi.