Maraming marami ang mga magagandang lugar sa Tsina, at ang Bundok Yuntai na nasa Lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina ay isa sa mga ito. Ngayon, pupunta kami sa Bundok Yuntai para bumisita sa mga magagandang bundok at tubig doon.
Ang Bundok Yuntai ay nasa Xiuwu, isang county ng lunsod Jiaozuo sa Lalawigang Henan. Ito ang kauna-unahang batch ng pandaigdigang geological park sa buong daigdig na tiniyak ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization o UNESCO.
Sumasaklaw ang rehiyong panturista ng Bundok Yuntai ng halos 200 kilometro kuwadrado. Nakikita ninyo ang matatarik na bundok at lumalagaslas na bukal doon.
Matubig ang Bundok Yuntai. Masasabing makikita ninyo ang isang bukal bawat 3 hakbang, isang talon bawat 5 hakbang at isang lawa bawat 10 hakbang. Umabot sa mahigit 300 metro ang taas ng pinakamalaking talon sa Bundok Yuntai. Kung titingalain ninyo ang talong ito, tila pumapatak ang tubig mula sa himpapawid.
Kung maglalakbay sa Bundok Yuntai, maaaring bumisita kayo sa mga bundok doon. Ang tugatog ng Zhuyufeng ay may mahigit 1300 metrong taas mula sa pantay-dagat na pinakamataas sa Bundok Yuntai. Kapag nakayapak kayo sa tugatog na ito, makaka-injoy kayo ng dagat ng mga alapaap.
Dahil sa napakalaki ng sakop ng nasabing rehiyong panturista, may bisa ang inyong tiket sa loob ng 2 araw, bagay na nagbibigay-ginhawa sa mga manlalakbay. Ipinalalagay ni Ginang Song Lin, isang turistang galing sa Lalawigang Shandong ng Tsina na,
"Maganda ang praktis na ito. Kay laki ng mga matulaing pook. Hindi mabibisita ang lahat ng tanawin dito sa isang araw. Salamat sa praktis na ito, kami ay binibigyan ng mas maraming panahon para mamasyal."
|