Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Maraming salamat, Manuela, Manuela Bornhauser ng Gachnang, Switzerland, sa padala mong postcards. Napakagaganda naman talaga. Thank you uli at God love you.
Narinig ninyo ang F.I.R. na nagbubukas sa ating munting programa sa awiting "Love Birds" na hango sa album na pinamagatang "Unlimited".
Kayo ay nakikinig sa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Sabi ng 920 362 4978: "Gusto kong ipaalam sa inyo na nagugustuhan ko ang lahat ng inyong programa sa radyo. Sana ay padalahan ninyo ako ng CRI stickers, postcards at stamps."
Thank you. Hintay-hintay ka lang, ha? Siguradong makakatanggap ka ng nabanggit na items.
Toni Gonzaga at ang isa sa mga pinasikat niyang awiting "We Belong" na lifted sa collective album na may pamagat na "You Are the One". Itong "You Are the One" ang carrier single ng album.
Nagpapasalamat ang 919 648 1939. Sabi: "Super salamat, Kuya Ramon, sa pagpapatugtog mo sa request kong "Lately". Last month narinig ko ring binasa mo ang SMS ko. Gusto ko rin ang kanta ni Jacky Cheng. Pareho tayo ng taste."
You are most welcome at thank you sa iyong text message.
Narito naman si Jasmine Leung.
Iyan naman si Jasmine Leung sa kanyang "Magiliw" na buhat sa album na pinamagatang "Kissing the Future of Love". Narinig ninyo iyan sa kauna-unahang pagkakataon dito sa Gabi ng Musika.
SMS mula sa 0049 242 188 210: "Sa tingin ko nagkakamali lang ang iba. Ang Philippine-Chinese relation ay nagsimula since time immemorial kaya mahirap itong matimbuwang. Nagbago lang ng direksiyon."
Mula sa album na pinamagatang "Bread's Anthology, iyan ang awiting "Aubrey" ng Bread.
May mga SMS pa tayo. Sabi ng 917 351 9951: "Tama iyong isang listener. Ang relasyon natin sa mga Chinese ay nagsimula sa `tiyan' Marami tayong minanang mga luto mula sa kanila. Hanggang ngayon, Chinese pa rin ang mga pangalan ng mga lutong ito."
Salamat sa iyong SMS.
Sabi naman ng 0086 1352 023 4755: "Nararamdaman natin ngayon ang lupit ng kalikasan. Dahil sa pang-aabuso natin sa kalikasan, nakakaranas tayo ng tagbaha, tagtuyot, bagyo, buhawi, pagguho ng lupa at lindol. Magsisisi siguro tayo pag huli na ang lahat."
Thank you. Magandang paalala iyan.
At iyan ang kabuuan ng pagtatanghal natin ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|