Ang Beijing 2008 Olympic Games ay magiging isang arena ng pagpapakita ng galing ng mga atleta mula sa iba't ibang sulok ng daigdig. Upang matiyak na maging makatarungan ang pagsusukatan ng galing at maging malinis ang palakasan, ang 2008 Olympic Games ay magsasagawa ng lalong mahigpit na hakbangin laban sa analeptic.
Isa sa mga pangako ng Beijing kaugnay ng pagdaraos ng 2008 Olympic Games ay ang magdaos ng isang makatarungan at malinis na Olympic Games. Sa kadahilang ito, naglaan na ng pondo ang pamahalang Tsino na sadyang para sa pagtatag ng isang laboratoryo ng estado laban sa analeptic.
Nasa loob ng Olympic Games Center ang naturang laboratoryo na matatapos sa katapusan ng 2007. Ang naturang laboratoryo ang mananagutan sa lahat ng gawain ng inspeksyon sa analeptic sa panahon ng pagdaraos ng Beijing 2008 Olympic Games at Paralympic Games.
Bilang isang bahagi ng mga hakbangin ng pakikibaka laban sa analeptic ng Beijing Olympic Games, daragdagan ng marami ng International Olympic Committee ang bilang ng inspeksyon sa analeptic sa panahon ng Beijing Olympic Games. Tinatayang aabot sa mahigit 4500 sample ang iinspeksyunin na mas marami ng 1/4 kay sa sa bilang ng sa panahon ng 2004 Athens Olympic Games.
Sa proseso ng paghahanda ng mga gawain sa pag-iinspeksyon ng analeptic para sa 2008 Olympic Games, nasanay na rin ang mga tauhang Tsinong lalahok sa gawaing iyon. Ang manggagamot na si Du Lijun ay isa sa mga magiging tagapamahala ng nabanggit na laboratoryo at dalubhasa sa gawaing laban sa analeptic ng Pangkalahatang Kawanihan ng Estado ng Tsina. Ipinahayag niyang ang pangunahing kahirapang natagpuan ngayon sa gawaing laban sa analeptic ng Tsina ay ang kasalatan sa mga tauhan. Sinabi niyang,
"Nahahati sa dalawang bahagi ang mga gawaing laban sa analeptic, una, ang pag-iinspeksyon, alalaon baga'y ang pangungulekta ng urinate sample at blood sample ng mga atleta at ika-2 ang mga gawain sa pag-iinspeksyon sa loob ng laboratoryo. Kung titingnan ang kalagayan ngayon, talagang nahaharap sa kahirapang walang sapat sa inspektor. Kaya kailangan naming magsanay ng lalong maraming inspektor sa gawaing ito."
|