• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-17 10:50:26    
Setyembre ika-10 hanggang ika-16

CRI
Ipinahayag noong Biyernes sa Beijing ni Gao Hucheng, pangalawang ministro ng komersyo ng Tsina, na may pag-asang maisasakatuparan sa susunod na taon ang target na umabot sa 200 bilyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN nang mas maaga ng dalawang taon kaysa itinakdang target na sa taong 2010. Tinukoy ni Gao na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa kalakalan at pamumuhunan, maalwang sumusulong ang konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, walang humpay na lumalalim ang kooperasyon ng rehiyon at sub-rehiyon at pumasok sa isang bagong yugto ang bilateral na relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Ayon sa salaysay, mula noong Enero hanggang Hulyo ng taong ito, ang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at ASEAN ay umabot sa mahigit 100 bilyong dolyares na lumaki ng mahigit 27% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.

Napag-alaman ng mamamahayag mula sa isang preskon noong Biyernes sa Beijing na idaraos mula ika-28 hanggang ika-31 ng susunod na buwan ang ika-4 na China ASEAN Expo sa Nanning, lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa dakong kanluran ng Tsina. Ayon sa salaysay, lalampas sa isang libo ang bilang ng mga exhibition booth ng mga bahay-kalakal ng ASEAN sa ekspong ito at ang bilang ng mga booth ng iba't ibang bansang ASEAN ay pawang mas malaki kaysa sa mga dating ekspo. Itatatag din ng Malaysia, Biyetnam, Myanmar, Thailand, at Indonesya ang kani-kanilang sariling exhibition pavilions. Lalahok naman sa kasalukuyang ekspo ang mahigit 1.5 libong bahay-kalakal na Tsino. Bukod dito, itinatag na ng sekretaryat ng ekspong ito ang "China-Asean business database" para makapagkaloob ng mas maraming pagkakataong pangkalakalan sa mga bahay-kalakal ng Tsina at ASEAN. Sinabi sa preskong ito ni Li Jinzao, pangalawang tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi, na ang matagumpay na idinaos na 3 CAExpo at Summit ng Komersyo at Pamumuhunan ng Tsina at ASEAN ay nagpasulong ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa kalakalan, pamumuhunan, turismo at mga iba pang larangan at ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, nagpalalim ng pag-unlad ng kanilang estratehikong partnership na pangkooperasyon at ito ay naging isang mahalagang plataporma para sa kooperasyon ng 2 panig sa iba't ibang larangan at antas.

Idinaos noong Lunes sa Nanning ang simposyum ng Tsina at ASEAN hinggil sa estratehikong plano sa komunikasyon. Sa simposyum, isinumite ng Ministri ng Komunikasyon ng Tsina sa mga eksperto at opisyal ng Tsina at sampung bansang ASEAN sa komunikasyon ang dokumento hinggil sa ideya ng plano sa kooperasyong pangkomunikasyon ng dalawang panig. Ayon sa dokumentong ito, palalakasin ng Tsina ang pakikipagtulungan sa ASEAN sa larangan ng imprastrukturang pangkomunikasyon at itatatag ang 4 na patindig at 2 pahigang transportation passages sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Binuksan noong Huwebes sa Chongqing ang 3 araw na ika-3 seminar hinggil sa pagtutulungan at kaunlaran sa batas ng Tsina at ASEAN. Tatalakayin sa seminar ng mahigit 200 kinatawan mula sa sirkulo ng batas ng Tsina at 10 bansang ASEAN ang mga isyu sa proseso ng pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN at konstruksyon ng iba't ibang bansa ng sistemang legal.

Sa pagtataguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, sinimulan noong Miyerkules sa Nanchang, lunsod ng Lalawigang Jiangxi ng Tsina, ang dalawang linggong training class para sa mga bansang ASEAN hinggil sa mga maunlad na teknolohiya ng pagtatanim ng palay. Lumahok sa klaseng ito ang mga opisyal at eksperto sa teknolohiyang agrikultural mula sa mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Laos at iba pa at mag-aaral sila ng high-yield and efficient technic ng pagtatanim ng palay, rice breeding at rice processing.