• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-17 10:50:55    
Pagbabalik ng nawawalang mga relikya ng Tsina

CRI
Kabilang sa mga koleksiyon ng mahigit sa 200 museo sa 47 bansa, may 1.67 milyong cultural relic exhibit ang nanggaling sa Tsina, ayon ito sa estadistika ng UNESCO, gayunman, kumakatawan lamang iyon sa ika-10 bahagi ng mga Chinese relics na ginanap sa mga pribadong koleksiyon mula sa loob at labas ng bansa.

Dahil sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina nitong nakaraang ilang taon, muling sumigla ang antique market sa loob ng bansa at humantong sa pagkakatuklas ng maraming nawawalang relikyang kultural ng Tsina. Itinatadhana ng Batas sa Pangangalaga ng Relikyang Pangkultura na pinagtibay noong Oktubre ng 2002 na ang mga relikyang maaaring makamit sa pamamagitan ng pribadong pagbili at subasta ay nakatulong nang malaki upang mapasigla ang pagbabalik niyon ng bansa.

Ang Institute of Relic Authentication, na itinatag noong 2003, ay isang bagong departamento ng Chinese Cultural Relics Information Center na itinataguyod ng State Administration of Cultural Heritage, SACH. Liban sa pagtulong sa mga museo at indibiduwal sa loob ng bansa, ang naturang instituto ay siyang may pananagutan sa pagbawi ng mga relikyang kultural mula sa ibayong dagat sa pamamagitan ng isang espesiyalisadong database.

Ang Institute's Collecting National Key Cultural Relics Project ay itinatag noong 2002 sa tangkilik ng SACH at ng Ministri ng Pinansiya ng Tsina, na may espesipikong layunin ng pagbawi ng mga mahahalagang relikya mula sa labas ng bansa. Bukas sa publiko ang proyekto, at winiwelcome ang anumang himatong hinggil sa mga nawawalang relikya, ang wika ni Xie Xiaoquan, pangalawang direktor ng Institute of Relic Authentication.

Sapul nang itatag ang proyekto, taon taong nag-aabuloy dito ang pamahalaang Tsino ng 50 milyong yuan RMB. Hanggang sa ngayon, umabot na sa 60,000 shadow play puppet at 204 mahalagang relikya ang nababawi nito. Ang huli'y kinabibilangan ng Yan Mountain Inscription ni Mi Fu, namumukod na calligrapher ng Northern Song Dynasty (960-1127) noong 2002 at bronze engraved Zilong Ding, ang pinakamalaking Shang Dynasty (1600-1100 BC) bronze artifact, noong Abril ng 2006.