• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-19 11:04:16    
Kuhang larawan ng mga constructers ng 2008 Olympics

CRI

Sa okasyon ng isang taon sa countdown ng pagbubukas ng 2008 Beijing Olympic Games, upang palaganapin ang Olimpiyada, tinanghal kamakailan sa ekspo ng mga librong pandaigdig ng Beijing, pinakamalaking ekspo ng libro sa kasalukyan sa Asya, ang malaking serye ng larawan ng "mga constructers ng Olimpiyada" ni Fu Xiaohai, isang litratista ng Tsina, na ang mga bida ng naturang larawan ay mga manggagawa sa konstruksyon ng mga stadiums ng Olimpiyada at nakatawag ito ng malaking pansin ng lipunan.

Ang nabanggit na larawan sa ekspo ay isang maliit na bahagi ng serye ng larawan ng "mga tagapagtayo ng Olimpiyada" ni Fu Xiaohai. Kaugnay ng orbinal na layunin ng naturang serye ng larawan, sinabi ni Fu na,

"Ang matagumpay na bidding ng Tsina sa pagtatangkilik ng Olimpiyada ay bunga ng napakalaking pagsisikap ng Tsina. Bilang isang Tsino, nais kong gumawa ng mga bagay para sa Olimpiyada, nag-iisip matagal akong at saka ipinasiyang kunan ng serye ng larawna ang "mga constructors ng Olimpiyada" para magpakita ng ginagawa ng mga maggagawa sa proseso ng konstruksyon ng mga pasilidad ng Olimpiyada. At ang manggagawang ito, in a sense, ay mga tagapaglikha at artista rin."

Nagsimula ang kaniyang gawain mula noong Oktubre ng taong 2006 at matatapos sa Mayo ng taong 2008. sa kasalukuyan, ginugol niya ang halos 1 milyong yuan RMB para rito at bumisita na siya ng iba't ibang stadiums ng Olimpiyada sa 7 lunsod na maghohost ng Olympic Games gaya ng Beijing, Tianjin, Shanghai, Shenyang, Qingdao, Qinhuangdao at Hong Kong. Sinabi niya na,

"Kauna-unahang pagkakataon ito para sa akin na kunan ng retrato ang Olimpiyada. Antig na antig ako at ang karanasang ito ay hindi ko mailalarawan sa salita."