Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gahi ng Musika. Hindi maaring magsimula ang programang ito nang hindi nababati si Romulo de Mesa ng Marinduque. Happy, happy birthday, pare. Sana manatili kang malakas, malusog at masagana at sana datnan ka ng magandang suwerte sa iyong birthday.Ipinaaabot ko ang pagbating ito sa ngalan ng lahat ng mga kasamahan ko sa Serbisyo Filipino.
Sa September 4 pa ang birthday ni Romulo, pero ngayon ko siya binabati dahil walang Gabi ng Musika sa araw na iyon. Napakinggan ninyo si Man Fong sa ating pambungad na bilang na pinamagatang "Hindi Maipagpapalit" na lifted sa album na may katulad na pamagat.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Bigyang-daan natin ang SMS mula sa 919 648 1939. Sabi: "Iyong mga teks adik, huwag ninyong sayangin teks ninyo. Mag-isip kayo ng magandang mensahe at ipadala sa Filipino Service. Tama na iyang kakapadala ng teks na walang kawawaan. Sayang lang ang load." Thanks sa iyong mensahe.
Blue grass ang tawag diyan. Iyan ang magandang tinig ni Nana Mouskouri sa awiting "I Have a Dream" na lifted sa album na pinamagatang "Closer: When Pop Meets Jazz".
Tingnan naman natin itong mensaheng galing sa 917 960 6218. Sabi ng SMS: "Magandang Gabi ng Musika, Kuya Ramon. Okay ba kayo diyan sa Filipino Service? Alam mo, dati sa English Service lang ako nakikinig; ngayon, sa Filipino Service na rin."
Salamat nang marami. Narito naman si Huang Yali.
Mula sa album na pinamagatang "Bata", iyan ang awiting "Sa Tabi ng Butterfly Spring" ni Huang Yali.
Sabi ng short note ni Janice Quintos ng Beijing: "Kuya, gusto kitang paulanan ng a hundred salutes sa walang-kapaguran mong pagpopromote ng relation ng Philippines at China. Parehong nagsusumikap ang dalawang bansa para umunlad at kailangan nilang magkaroon ng mahigpit na relation. Sana mabigyan ng recognition ang iyong efforts."
Iyan naman si Stevie Wonder sa kanyang "You Are the Sunshind of my Life" na hango sa album na "A Time To Love"…At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Ito muli si Ramon Jr. Maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|