Maayos na tinutupad ang iba't ibang gawain ng paghahanda sa 2008 Beijing Olympic Games. Kabilang dito ang isang mahalagang gawain ng pangangalap ng mga boluntaryo para sa Olympic Games.
Sinimulan na ng Komite ng Pag-oorganisa ng Beijing Olympic Games noong huling dako ng Marso ang mga gawain ng pangangalap ng mga boluntaryo sa paligsahan sa ibayong dagat. Opisyal na tumatanggap ng aplikasyon at pagpapatala ng mga tauhan sa iba't ibang sirkulo ng lipunan sa ibayong dagat.
Sa Beijing Normal University, maraming estudyanteng dayuhang nag-aaral sa Tsina. Interesado sila sa Beijing Olympic Games. Hinahangad nilang masaksihan nila mismo ang malaking pagtitipong pampalakasang ito ng buong daigdig. Hinahangad din nilang makapag-ambag sa Olympic Games.
Si Kim Dae Su, 27 taong gulang, ay may anim na buwan na siyang naririto sa Beijing. Bago siya mag-aral sa Beijing ay nanungkulan siya sa isang kompanya sa T.Korea. Sinabi niyang sa kanyang pamumuhay sa Beijing bawat araw, nadarama niyang papalapit na ang pagdaraos ng Olympic Games. Mayroon siyang kaibigang Tsinong nag-aply sa pagiging boluntaryo sa 2008 Olympic Games, kaya naisip din niyang magpatala. Sinabi ni Kim na,
"Nagkataong nag-aaral ako sa Tsina ngayon. Kapag maging isang boluntaryo ako, puwede kong gamitin ang aking napag-aralan at magkakaroon pa ng maraming bagong pagkakataon.Kaiba ito sa panonood sa telebisyon. Mapapanood ang kalagayan ng mga atleta sa paligsahan sa himnasyo. Higit na makatuturan iyon."
Si Lee Sang Yoon ay kababayan at kamag-aral ni Kim Dae Su. Isa rin siyang tagahanga sa Tsina. Nang banggitin ang Beijing 2008 Olympic Games, di mapigil ang kanyang marubdob na damdamin. Sinabi niyang,
"Talagang pinagmamalasakitan ko ang Beijing Olympic Games. Sapagkat nakapagdaos na rin ng Olympic Games ang aking Bansang T.Korea noong 1988. Noo'y nasa ika-3 grado ako sa mababang paaralan. Pagkaraang makapagdaos ng Olympic Games sa Seoul ng aming bansa, naging napakabilis na ang pag-unlad ng lipunan at ekonomiya ng aming bansa. At dahil sa pagdaraos ng 0lympic Games sa Seoul, ang Korea ay naging pokus na pinagpakuan ng pansin ng daigdig. At dahil sa pagdaraos ng Beijing 2008 Olympic Games, naniniwala akong pagtutuunan din ng higit na pansin ng daigdig ang Tsina. At lalong mapabibilis niyon ang pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina."
|