Marami pang Chinese cultural relics, na hawak hawak ng mga kolektor sa loob at labas ng bansa ang nabawi noong isang taon, ang wika ni You Qingqiao, direktor ng Chinese Cultural Relics Information Center, at sinabi pa niyang "ang determinasyon at kompidensiya ng pamahalaang Tsina ay nagbigay ng motivation at lakas na kinabibilangan sa pagbawi ng mga nawawalang kayamanan". Ang Ministri ng Kultura, Ministring Panlabas at SACH ay may kontak sa mga grupo ng mga overseas collector, auction firm at museo, gayon din sa mga embahadang Tsino. Nagtatag na rin ng isang online search system para sa mga nawawalang relikya.
Higit na nilalayon ng pamahalaang Tsino na mabawi ang mga relikyang pangkultura na nasa loob pa ng bansa, bago maipagbili ito at matangay ng mga dayuhang kolektor. Sa tulong ng mga artisanong pambayan, 60,000 shadow play puppet mula sa mahigit 20 lalawigan ang nabawi ng Collecting National Key Cultural Relics Fund, pagkukumpirma ni Zhang Xiwu, direktor ng Relic Authentication Office. Ipinaliwanag niyang "ang shadow play puppet ay isa sa mga pangunahing tapyas ng tradisyonal na Chinese folk art at ang mga ito'y kailangang kailangan ng mga dayuhang kolektor. Kaya dapat tayong kumilos agad upang mabawi ang mga mahahalagang relikyang ito habang ang mga ito'y nasa sarili pa nating lupain." Ang nabawing 60,000 puppet ay itinanghal sa isang shadow play museum na ginanap sa Chengdu, punong lunsod ng Lalawigang Sichuan, kasa ng libu-libong iba pa mula sa iba't ibang lugar ng lalawigan.
May tatlong paraan upang mabawi ang mga nawawalang relikya: sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon, pagbawi sa pamamagitan ng paraang hudisyal at pagbili. Dahil sa ang presyo ng mga relikya ay kadalasang nagkakahalaga ng milyong milyong RMB bawat isa, ang taunang 50 milyong RMB na inilalaan ng pamahalaang Tsino para mabawi ito, ay sapat na para pambili ng ilan bawat taon, ang sabi ni Xie Xiaoquan. Iginigiit niyang mahalagang mahalaga ang pagdaragdag ng pondo para sa pagbawi ng mga mahahalagang relikya at pagpapanatili ng pangingibabaw ng pamahalaan.
Gayuman, ang pagsangkot ng non-governmental organization ay pumuno sa kakulangan ng pondo. Noong Hulyo ng 2003, ang non-governmental Specia Fund for Rescuing Lost Cultural Relics from Overseas, na itinatag noong 2002, ay naglunsad ng National Treasure Project nito. Dahil sa anim na milyong RMB na donasyon ng kilalang Macao entrenuer na si He Hongshen, nabawi ng pondo ang isang bronze hog's head na may mahigit nang 140 taong nasa labas ng bansa. Ito ang kauna-unahang pambansang yaman na nawi ng NGO.
|