• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-25 21:48:40    
Ang bagong paraan ng mga Tsino sa paglipas ng pamumuhay sa malayang panahon

CRI
Ang 33 taong gulang na si Lv Tongzhou ay namamasukan sa isang magazine agency at mayroong siyang mahigit 20 taong kasaysayan ng paglalakbay. Noong 4 na taon na ang nakaraan, naglakbay si Lv sa isang mahirap na rehiyon ng lalawigang Sichuan sa timog-kanlurang Tsina. Nang makita niya ang mahirap at atrasadong kalagayan doon, itinaguyod niya ang isang aktibidad ng pag-aabuloy para sa mga paaralan sa mahirap na rehiyon sa internet. Nakatawag ito ng malaking pansin ng iba't ibang lugar ng bansa, sa wakas, ipinadala nila ang mga aklat sa mahigit 200 paaralan sa nasabing mahirap na rehiyon. Kaunay nito, sinabi ni Lv na:

"Sa pamamagitan ng paglalakbay, isinasagawa rin namin ang mga aktibidad hinggil sa kagalingang pampubliko at pangangalaga sa kapaligiran. Ipinalalagay kong napataas ang iniisip ko sa isang bagong antas. Posibleng Mahirap marahil na baguhin ang karekter ng isang tao, ngunit, mapapataas ang kaniyang ideya sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito."

Nagkakaiba ang paraan ng mga tao sa paglipas ng kanilang pamumuhay sa malayang panahon: may nagpapasasa sa sariling pamumuhay at may mga kusong-loob na naglilingkod sa lipunan sa kanilang malayang panahon. Ang 37 taong gulang na si Li Yongfeng ay isa sa kanila. Siya'y isang boluntaryo sa Volunteer Service Center ng komunidad ng Lugu sa kanlurang Beijing. Kugnay ng kaniyang karanasan, sinabi niyang:

"Hindi tulad ng ibang tao, sa halip ng paglalakbay sa malayang panahon, pumili akong lumahok sa ilang boluntaryong aktibidad. Lubos kong ikinaliligaya ang mga ito."

Tulad ng kunwento ng nabanggit na 2 tao, ang gayong malusog at positibong pananaw sa paglipas ng pamumuhay sa malayang panahon ay nagpapayaman at nagpapaginhawa ng pamumuhay sa isang dako, at sa kabilang dako nama'y nagpapagaan ng presyur ng mabilis na pag-unlad ng kabuhayan sa mga tao.