|

Noong unang dako ng 1990s, kasabay nang isagawa ng pamahalaan ng rehiyong panggubat ng Shennongjia ang pangunahing pangangalaga sa Shennongjia, katamtamang pinapaunlad nila ang industriya ng turismong ekolohikal. Mahigit 600 libong persontime ang mga turista na tinatanggap ng Shennongjia bawat taon. Pinapasulong naman ng pag-unlad ng turismo ang mga may kinalamang industriya. Itinatag ni Li shikai, isang kawani ng rehiyong panggubat ang isang restawran. Sinabi niyang,

"Mula nang isagawa ng aming Shennongjia ang turismong ekolohikal, mabuting-mabuti ang kalagayan, mas maraming tao ang pumarito, kaya, nagtatakbo ako ng isang restawran, tumataas nang tumataas ang aming kita."
Dinulot ng pagsigla ng industriyang panturista ang malaking kita sa mga mamamayan sa rehiyong panggubat, pero, kasunod ng pagdami ng mga turista, nagdudlot ito ng takdang presyur sa kapaligirang ekolohikal ng rehiyong panggubat. Sinabi ni Qian Yuankun, opisyal na local na,

"Sa takbo ng pag-unlad ng kaunlarang pangkabuhayan at usaping panlipunan, palagiang ginagawa naming paunang kondisyon ang pangangalaga sa kapaligiran para tumpak na hawakan ang kontradiksyon sa pagitan ng kaunlarang pangkabuhayan at pangangalaga sa kalikasan."
Sinabi ni Ginang Qian Yuankun na noong 2006, kauna-unahang itinigil ng rehiyong panggubat ang turismo, hindi tatanggapin ang turista sa loob ng 3 buwan. Ang layunin nito ay para pagpahingahin ang mahigit 1 libong uri ng mailap na hayop sa loob ng mga matulaing pook at maibalik ang kapaligirang ekolohikal ng harding ito sa orihinal na kalagayan.

Ngayon, pormal na nagsimula ang proyekto ng pangangalaga sa mga natural na gubat sa Shennongjia at ipinagbabawal sa buong hardin ang pagtoroso para pangalagaan ang berdeng kabang-yaman at bodega ng mga gene ng hayop at halaman sa daigdig.
Kung mayroon kayong pagkakataon na bumisita sa Gitnang Tsina, welkam sa pamamasyal sa Shennongjia.
|