Ang Shennongjia na nasa hilagang kanluran ng lalawigang Hubei, sa dakong gitna ng Tsina, ay isang primitibong gubat na may mahigit 3.7 libong uri ng iba't ibang halaman, at mahigit 1 libong uri ng hayop, tinatawag itong tanging mainam na preserbadong bodega ng mga gene ng hayop at halaman sa mid-latitude area sa buong daigdig.
May mahigit 3200 kilometrong kuwadrado ang Shennongjia at umabot sa halos 70% ang saklaw ng kagubatan. Ang mahiwagang tanawin nito ay kinabibilangan ng tatlong aspekto: una, buo ang preserbadong sinaunang gubat. Ika-2, ang alamat na lugar kung saan inilatag ng emperador shennong ang hagdan para mangolekta ng herbal medicine. At ika-3, may maraming di-nalulutas na hiwagang siyentipikong gaya ng mailap na tao.
Bukod dito, meron ang Shennongjia ng tanging buong sistemang ekolohikal ng subtropical forest sa mid-latitude area sa buong daigdig sa kasalukuyan. Kumpletong sistemang ekolohikal ng premitibong panahon, mayamang iba't ibang uri ng mga living thing, kaiga-igayang kondisyon ng panahon, ay tumulong sa Shennongjia na nagwagi ng iba't ibang papuri na gaya ng berdeng kabang-yaman at likas na harding botanikal.
Ang rhinopithecus na isang uri ng unggoy na may malagintong balahibo at itinaturing na spirit ng Shennongjia, ay isang hayop na nanganganib sa pagkalipol. Pihikan ito sa kapaligirang ekolohikal. Nitong ilang taong nakalipas, salamat sa pagiging mabuti ng kapaligirang ekolohikal ng Shennongjia, tumaas sa mahigit 1.2 libo ang bilang nito mula sa dating mahigit 600. tuwing naririnig ang tinig ng unggoy, hindi makakakontrol ang mabilis na tibok ng puso ni Qian Yuankun, opisyal na lokal. Sinabi niyang,
"Nababalisa ang ilang taong hindi makakabuhay ang mga rhinopithecus sa Shennongjia at mawawala ang Shennongjia sa daigdig. Sa kasalukuyan, masasabi kong matagumpay na napangalagaan ng Tsina ang unggoy na ito, walang humpay na tumataas ang bilang nito, at unti-unting lumalawak ang saklaw ng kanilang aktibidad, ang Shennongjia ay nasa mabuting pangangalaga sa Tsina."
|