Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Meron tayong mensahe mula sa Aklan. Sabi ni Rommel ng naturang lalawigan, ang hobby daw niya ay DX-ing at lagi siyang sumusubaybay o lagi niyang tina-track (kasi DX-ing) ang Filipino at English services ng China Radio International. Thank you, Rommel—Rommel Fulgencio.
Nagbubukas sa ating Saturday edition ng Gabi ng Musika, Wilber Pan at ang kanyang "Baligtarin and Mundo" na hango sa album na may katulad na pamagat. Kayo ay nasa China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
Tunghayan natin ang isang short note mula sa Zambales. Sabi ni Liat Agdipa ng nasabing lalawigan: 'Siguro dapat bigyan mo ng encouragement ang mga tagapakinig para mag-exercise regularly at nang mabatak ang kanilang mga buto. Mahalaga sa bawat isa sa atin ang exercise. Kahit kumakain ka nang tama kung kulang ka naman sa ehersisyo, hindi rin maganda sa katawan. Buhayin natin ang kantang "Mag-Exercise Tayo Tuwing Umaga". Thank you, Ms. Liat. Si Ms. Liat ay isang nurse.
Mula naman sa album na pinamagatang "OPM Greatest Hits", iyan ang Rainmakers sa kanilang awiting "Binibini". Sabi nila ang "miss na miss" daw ay "binibining binibini". Biro lang iyon.
SMS mula sa 917 401 3194: "Kung kayo ay mga teks adik, makakatikim kayo ng pasaload mula sa akin basta magteks lang kayo sa Serbisyo Filipino at kay Kuya Ramon. Kung hindi, walang pasaload." Iyan, pasaload na kayo. Thank you.
Sabi naman ng 919 648 1939: "Marami tayong napapanood na teleseryeng Koreano. Bakit hindi natin subukin ang mga teleseryeng Tsino. Sa tingin ko, seryoso ang mga Tsino sa paggawa ng mga pelikula at sitcom na may kalidad." Thank you. Okay ang idea na iyan.
Sa ating pagpapatuloy, narito ang angel ni Lv Jianhong.
" Eksklusibong Anghel" sa pag-awit ni Lv Jianhong at mula sa album na pinamagatang "Tuloy ang Laban".
May isang SMS pa rito. Sabi ng 0049 242 188 210: "Nakakatuwang malaman na maraming mga Chinese diyan ang matatas sa wikang Filipino. Anong panama
ng Pinoy na pabalbal magtagalog? Salamat sa iyo. Talagang maraming kababayan ang hindi matutu-tuto..
Iyan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Ang mga Pinoy talaga, "Di na Nauto". Ang track na iyan na mula sa album na pinamagatang "The Best of Apo Hiking Tribute" ay inawit ng Sound.
May message ang mga kaibigan sa Cebu City. Lagi raw silang nakikinig sa lahat ng programa ng Serbisyo Filipino at hindi nila pinalalampas ang Dear Seksiyong Filipino at Gabi ng Musika. Lagi daw silang nananabik sa mga programang ito. Salamat at kumusta sa inyong lahat diyan sa Cebu City. Mabuhay kayo.
At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Itong muli si Ramon Jr. Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|