• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-09-28 13:41:49    
Makulay at masiglang Olympic education sa mga paaralan sa Tsina

CRI

Ang pagdaraos ng isang matagumpay na Olympic Games na kinasasangkutan ng buong sambayanan ay hindi maihihiwalay sa pagpapalaganap ng kaalamang may kaugnayan sa Olympic Games sa hanay ng madla ng bansang gaganapan ng Olympic Games, lalo na sa mga kabataan at mga bata doon.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 556 paaralan sa loob ng Tsina ang pinangalanan ng komite ng pag-oorganisa ng Olympic Games ng Beijing bilang mga ulirang paaralan ng Olympic education para mapalaganap ang olympic education sa hanay ng mga kabataan at mga batang Tsino.

Ngayon, inaanyayahan namin kayong sumama sa amin sa isa sa mga paaralang iyon, para malaman kung papaano buong husay na pinatutupad ang Olympic education.

Ang Huajiadi Experimental Elementary School sa dakong silangan ng Beijing ay nagsagawa ng dalawang natatanging aktibidad, yaon ay ang "Munting Komite ng Organisasyon ng Olympic Games" at ang "isang klase, isang bansa, isang distrito".

Ang munting komiteng iyon ay itinatag ng mga bata sa paggagad sa porma ng organisasyon ng Pandaigdig Komite ng Olympic Games. Bawat kagawad ng munting komite ay hinirang sa pamamagitan ng pagboto ng mahigit 900 estudyante ng naturang paaralan. Noong Oktubre ng 2005, ipinatalastas ang pagkakatatag ng "Munting Komite ng Organisasyion ng Olympic Games" sa pamamagitan ng hayagang pag-anyaya ng aplikante at kampanya sa eleksyon. May 74 na estudyante ang nahirang sa pamamagitan ng pagpapakita ng sariling talento.

Ang munting Komiteng iyo'y binubuo ng 8 departamentong kinabibilangan ng departamento ng pagpapaplano ng mga aktibidad at departamento ng etiketa o magandang asal. Pagkatatag ng munting komite, kaagad na nagbroadcast ng tungkol sa Olympic Games, binabago sa takdang panahon ang propaganda poster ng Olympic Games at naglimbag pa ng sariling babasahin. Masiglang masiglang isinasagawa ang iba't ibang aktibidad sa paaralang ito..

Ang 10 taong gulang na si Li Qimei ay nahirang na tagapangulo ng naturang komite. Nang banggitin niya ang kanyang misyon, may pagkaambisyosong ipinahayag niyang tungkulin ng munting komite ng Organisasyon ng Olympic Games na totohanang palapitin sa Olympic Games ang mga estudyante sa paaralan sa pamamagitan ng pagsisikap ng lahat. Anya:

"Kumusta kayong lahat. Ako'y si Li Qimei, tagapangulo ng Munting Komite. Pangunahing tungkulin ko na pamahalaan ang mga aktibidad ng pagpapalaganap sa ating paaralan ng kaalaman tungkol sa Olympic Games. Ang magagawa ko para sa Olympic Games ay paliitin ang agwat sa pagitan ng mga kamag-aaral at Olympic Games para lalong maunawaan nila ang Olympic Games."