|
Sa sonang pangkabuhayan ng CALABARZON-- o Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon—ang Lalawigan ng Quezon na lamang ang hindi umuusad ang kabuhayan. Lahat ng mga lalawigan sa nasabing sona ay malayo na ang narating kung kabuhayan din lang ang pag-uusapan.
Para mabago ang kalagayang ito, naglunsad ang lalawigan ng isang programa na may slogan na"Filipinas Quezon Naman". Layon ng programa na maiangat ang nakalulungkot na kalagayang pangkabuhayan ng Quezon.
Bukod sa pagsisimula ng mga industriya na inaasahang makapagbibigay ng trabaho sa libu-libong magsasaka ng lalawigan sa pamamagitan ng pondong magmumula sa mga mangangalakal sa loob at labas ng lalawigan, hinihimok din ng pamunuan ng Quezon ang pamumuhunan ng mga mangangalakal sa ibayong-dagat at handa rin itong pumasok sa isang pakikipagtulungan sa ibang bansa.
Sa malawak na pahayag ng mga residente ng Quezon, sinabi nilang ang Tsina ang unang bansang nagpakita ng interes na makipagtulungan sa lalawigan at ito ay ipinakita ng pagdalaw kamakailan ng isang mataas na opisyal ng National People's Congress of China.
Sa naturang okasyon, bukod sa mga mag-aaral na Tsino, may dumalo ring mga Pilipinong mag-aaral sa kolehiyo; ang dalawa sa mga ito ay sina Karel Mendiola at Fritz Mejia.
Sinabi ni Karel na ang pagdalaw sa Quezon Province ni Vice Chairman Jiang Zhenghua ng Standing Committee ng NPC ay pagpapahayag ng magandang hangarin ng Tsina na makibahagi sa pag-unlad ng Lalawigan ng Quezon. Datapuwa't wala pa naman aniyang pormal na usapan o anumang napagkayarian, ang naturang pagbisita ay nagbigay na ng malaking pahiwatig at nararamdaman ito ng mga residente ng Quezon.
Kung siya aniya ang tatanungin, naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng Tsina sa pag-unlad ng agrikultura ng lalawigan. Marami aniyang karanasan ang Tsina sa larangang ito at kung maibabahagi nito ang kaniyang karanasan sa lalawigan, maraming magsasakang lokal ang magbabago ang takbo ng buhay.
Sinabi ni Karel na malaki rin ang tourism potential ng Quezon at sa tulong ng mga grupong tulad ng Filipino-Chinese Chamber of Commerce at Quezon Luzena Chamber of Commerce, madaling made-develop ng lalawigan ang naturang potential para ito ay tanghaling isang tourism revenue earner ng bansa. Pagkaraan, maari nang anyayahan ng Quezon ang mga turistang Tsino na maglakbay sa lalawigan. Bilang karagdagan, sinabi ni Karel na malaki ang tourism market ng Tsina at dapat samantalahin ito ng Quezon.
Sabi naman ni Fritz, malaki ang prospect ng pagpasok ng Quezon Province at China sa isang kooperasyon na may kinalaman sa cyber education. Marami nang bansa aniya ang gumagamit ng Satellite-Based Distance Learning Program na isinunod sa tagumpay ng Tsina sa China Education and Research Network o CERNET. Itong CERNET na ito, ayon kay Fritz, ay nagsisilbi ngayon sa 320 milyong mag-aaral sa Tsina.
Ayon sa ating dalawang government scholars, hindi magtatagal at ang pahiwatig na dala ng pagbisita ni Vice Chairman Jiang sa Quezon ay magiging malaking katuparan ng pangarap ng mga residente ng lalawigan. (BG MUSIC FADES UP…FADES DOWN)
Ngayon, sa puntong ito, tingnan natin kung ano ang laman ng mga mensahe ng
ating textmates. Mula sa 917-401 3194: "Welcome sa Philippines, Prof. Gu Jiande, president ng Jimen University of Xiamen!" Mula naman sa 919 426 0570: "Happy National Day sa lahat ng mga kaibigan sa China!" At mula naman sa 915 802 5559: "Mabuhay ang Sino-Filipino cooperation and relation!"
Tunghayan naman natin ang ilang short notes. Sabi ni Rachelle Truit ng Germany: "Nanganak na naman ang giant panda na idenonate ng China sa San Diego Zoo. Babae ang anak. Ang pangalan ng 16-year-old mother ay Bai Yun. Ang tatay ay si Gao Gao. Ito ang ika-4 na baby ni Bai Yun. Si Gao Gao din ang tatay ng dalawang nauna niyang baby. Sabi ng taga-zoo, bibigyan daw ng pangalan ang baby pagkaraan ng 100 days." Thank you, Rachelle.
Sabi naman ni Lagrimas Ramos ng Kowloon, Hong Kong: "Noong araw pa, talagang pangarap ko nang makapunta sa Tibet. Ito ang talagang gusto kong mabisita sa China. Gusto kong makita ang Tibetan monks sa kanilang kasuotan at ang kanilang services at religious rituals. Sabi nila, kung mahina ang puso at baga mo mahirap kang makatagal doon. Sa palagay ko, kaya ko." Thank you rin sa iyo, Lagrimas.
At diyan sa puntong iyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|