• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-09 15:39:41    
Pagbabago sa salary list, malalim na nakakaapekto sa pamumuhay ng mamamayang Tsino

CRI

Ang Shanghai ay isang metropolitan ng Tsina. Noong 2003, pumarito si Xiao Xin pagkaraang magtapos siya sa pamantasan at namasukan sa isang bahay-kalakal na ari ng estado. Kadarating sa Shanghai, mahigit 3 libo lamang ang kaniyang suweldo at dapat mag-renta siya ng pabahay. Ngunit sa taong ito, may sarili na siyang mahigit 60 metro kuwadradong pabahay. Sinabi ni Xiao Xin na noong isang taong, binalak niyang bumili ng pabahay dahil ang kaniyang kompiyensa ay, pangunahin na, galing sa patuloy na lumalaking housing provident fund sa kaniyang salary list. Sinabi niya na:

"Tumataas nang malaki ang aming housing provident fund nitong 2 taong nakalipas. Ito ay isang nakapagandang welfare. Sa kasalukuyan, umabot sa mahigit 1 libong yuan ang aking pondong ito. Lubos na pinagaan nito ang basanin ko sa pagbili ng pabahay."

Ang housing provident fund ay isang sistema ng garantiyang pampabahay ng Tsina at tulad ng suweldo, tumataas din ang pondong ito kasunod ng paghaba ng sersbiyo ng mga tao.

Tulad nina Xiaoxin at lolo Du, ikinasisiya rin ng tatay ni Xiaoxin ang kaniyang kasalukuyang suweldo. Sinabi niyang noong 1990, inimbitahan akong nagtatrabaho sa kasalukuyang bahay-kalakal. Noong panahon iyon, mahigit 400 Yuan ang suweldo ko. Kasunod ng reporma't pagbubukas ng bansa at pagtaas ng episensiya ng bahay-kalakal, lumaki nang halos 10 ulit ang kasalukuyang suweldo ko.

Unti-utning isinasakatupara ng mga mamamayang Tsino ang kani-kanilang pangarap sa pammumuhay sa pamamagitan ng suweldo.