Magandang-magandang gabi. Ito ang inyong loving DJ para sa Gabi ng Musika.
Salamat sa moral support ng mga kaibigan sa Europe. Alam niyo talagang kailangan namin dito ang inyong moral at spiritual support. Iyang dalawang iyan ang nagbibigay sa amin ng lakas ng loob, nagbibigay-buhay sa amin. Thank you uli at mabuhay kayo!
"Baligtarin ang Mundo" sa pag-awit ni Wilber Pan. Ang track na iyan ay hango sa album na may katulad na pamagat.
Kayo ay nasa himpilang China Radio International at sa programang Gabi ng Musika ng Serbisyo Filipino. Ito si Ramon Jr., ang inyong loving DJ.
May short note si Manny ng Makati. Sabi: "Kuya Ramon (ang ispeling niya ng Ramon ay R-h-a-m-o-n), ngayon pa lang ay binabati ko na kayo ng "happy National Day". Enjoy lang kayo at siguruhin ninyo na mag-e-enjoy kayo dahil meron kayong "big K" na mag-celebrate. Alalahaning mabilis na umuunlad ang China at maganda ang status nito sa world community."
Salamat sa iyo, Manny.
At sa ating pagpapatuloy, narito ang awiting "Wikang Tsino".
S-H-E o She at ang awiting "Wikang Tsino" na buhat sa album na pinamagatang "Play".
Sabi naman ng e-mail (e-mail ito, ha?) ni Wilbert Nicolas ng Bukidnon: "Mula't sapul ay nakikipagkontakan na ang mga Pinoy sa mga Chinese kaya mahaba ang istorya ng ating relasyon. Ang mga pagpapalitan natin ngayon ay isa lamang bagong porma ng pagpapalitan. Matagal na tayong meron nito."
Mula sa album na may pamagat na "November's Chopin 11", iyan ang awiting "Animo'y Niyebeng Buhok" ni Jay Chou.
Tunghayan naman natin ang e-mail na buhat sa Shunyi, Beijing. Ang nagpadala ay si Lara. Sabi ng mensahe: "Maraming Pinoy ang nag-aaral ng Chinese language and culture sa China at marami ring Chinese students ang kumukuha ng iba't ibang courses sa mga colleges and universities sa Pinas. Ang ilan sa mga schools na ito ay ang University of Santo Tomas, Far Eastern University, University of the East at Ateneo de Manila University. Ito ay bahagi lamang ng cultural exchanges natin."
Thank you, Lara. Natatandaan ko na ngayon kung saan tayo nagkita. Kumusta ka na?
"Love, Love, Love" sa pag-awit ng F.I.R. Ang masayang awiting iyan ay hango sa album na pinamagatang "Unlimited".
Tunghayan naman natin ang ilang SMS mula sa ating textmates. Sabi ng 915 881 2174: "Maganda iyong sinabi ni Ms._ na tagapakinig ninyo na i-adopt natin sa Philippines ang Satellite-Based Distance Education Program ng China. Tutal ganito rin naman ang nauuso ngayon sa ibang bansa."
Thank you.
Sabi naman ng 919 648 1939: "Lagi naming pinakikinggan ang inyong mga programa tuwing 7:30 ng gabi. More power sa inyo at advance happy National Day na rin."
Salamat din sa iyo.
At diyan nagtatapos ang ating pagtatanghal ngayong gabi. Itong muli si Ramon Jr, Maraming-maraming salamat sa inyong walang-sawang pakikinig.
|