• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-12 14:09:16    
Multi-language education sa mga unibersidad at mataas na paaralan sa Beijing

CRI
Ang Olympic Games ay isang internasyonalisasyong pagtitipong pampalakasan. Sa takdang panahong iyon, may mga panauhing nagsasalita ng iba't ibang wika ang paparito sa Beijing. Sa pagtanggap ng mga panauhin, dapat magkaroon ng kapaligirang naaangkop sa panahon ng Olympic Games. Puspusang nagsisikap ang lunsod ng Beijing na himukin ang mga tayumbayan sa Beijing na mag-aral ng wikang Inglis. At itinataguyod nitong mag-aral ng iba't ibang wika ang mga bata't kabataan. Isang bahagi ng pagsisikap na iyon ang seryeng aktibidad na "Kumusta buong daigdig" kaugnay ng pagpapalaganap sa mga paaralan ng multi-language na pinatutupad ngayong parang lumalagablab na apoy.

Ang seryeng aktibidad na "Kumusta, Buong daigdig" kaugnay ng pagpapalaganap sa mga paaralan ng multi-language ay magkasamang itinataguyod ng Komite ng Organisasyon ng aktibidad sa pagsasalita ng wikang dayuhan ng mga taga-Beijing, ng komite ng Edukasyon ng Beijing at ng Tanggapang Namamahala sa mga Suliraning Panlabas ng Pamahalaang Bayan ng Beijing. Ang unang palalaganapin ay ang mga wikang Hapones, Pranses, Aleman, Ruso, Espanyol at Koreano.

Karamihan sa mga kalahok sa pagsasanay ay mga estudyante sa unibersidad at mataas na paaralan na walang kaalam-alam sa mga naturang wika. Ang mga nag-organisa ng naturang aktibidad ay naglimbag na ng mga materyal sa pagtuturo ng mga lenguwaheng iyon at nakapagrekod na ng buong set ng CD para sa pagtuturo at ipinamahagi nang libre lahat sa mga estudyante. Sa mga unibersidad at mataas na paaralan pati sa mga taga-lunsod ng Beijing na kusang nag-aaral ng mga lengguwaheng di gaanong malaganap. Kaugnay ng aktibidad na iyon, Isinalaysay sa amin ni Mr. Ding Shulin, bise direktor ng Beijing International Educational Exchange Center.

"Ang aktibidad na 'Kumusta, Buong Daigdig' kaugnay ng pagpapalaganap sa mga paaralan ng multi-language ay sinimulan noong Nobyembre 22 ng nagdaang taon at ipagpapatuloy hanggang sa bisperas ng pagdaraos ng 2008 Beijing Olympic Games. Ang aktibidad na iyon, pangunahin na'y nakatuon sa mga istudyante sa mga unibersidad at mataas na paalaran. Sapagkat sila'y kabilang sa mga boluntaryo ng Olympic Games sa panahon ng 2008 Olympic Games. Sa aktibidad na ito, libre ang mga manwal at CD set sa pag-aaral gayon din ang pagsasanay sa mga estudyante."