• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-15 15:23:38    
Ang kuwento ng isang stock holder na Tsino na si Sun Yumei sa Shanghai

CRI

Ang 53 taong gulang na si Sun Yumei ay isang karaniwang stock holder sa Shanghai ng Tsina. Walang kinalaman sa milagro sa ari-arian ang kaniyang kuwento. Ang kaniyang kuwento ay nagpapakita ng progreso ng pagiging isang mahusay na dealer sa stock market ng isang karaniwang stock holder na Tsino sa pamamagitan ng mahirap na pag-aaral at walang humpay na praktis. Nagpapakita rin ito ng pagbabago ng pamilihan ng kapital ng Tsina.

Tulad ng maraming white collar, sinimulan sa alas-9 ni Sun ang kaniyang bawat working day. Siyembre, hindi niyang kailangang pumunta sa tanggapan tuwing umaga. Siya'y isang propesyonal na stock holder at nagsasagawa ng mga negosyo sa kaniyang bahay. Noong ika-19 ng Disyembre ng taong 1990, nabuo ang Shanghai Stock Exchange at bukas na sa publiko ang stock market ng Tsina. Noong 1992, pumasok sa pamilihang ito si Sun at hanggang sa kasalukuyan, 15 taon na ang kaniyang karanasan sa pamilihang ito. Nang mabanggit ang karanasan sa kaniyang unang pagnenegosyo sa stock market. Sinabi ni Sun na:

"Noong panahong iyon, walang anumang kaalaman ukol sa stock market. Ngunit, mahilig ako sa pagsubok-gawa ng mga bagong bagay at mahigpit na sumusunod sa mga moda."

Sa kabutihang-palad, bumili si Sun ng isang bagong stock at pagkaraan ng 4 na taon, kumita siya ng mahigit 6 libong Yuan. Marahil, ang palad na ito ay nagdulot sa kaniya ng mabuting damdamin sa stock market at siya'y naging isang matatag na stock-buyer. Ngunit sa panahong iyon, dahil sa kakulangan sa mga kaalaman hinggil sa stock market, parang isang palaro ang pagbili at pagbibili ng mga stock. Ang lahat ng kaniyang aksyon ay depende sa kaniyang damdamin lamang, walang siyentipikong pag-aanalisa. Kaugnay nito, sinabi niyang:

"Noong 1993, naging masiglang masigla ang stock market. Sa panahong iyon, umabot sa 1300 punto ang share index ng Shanghai Stock Exchange, bumili ako ng isang stock sa presyo na 27 yuan. Ngunit, ilang panahon lamang pagkaraan nito, naging malamig ang stock market at maging bumaba sa mga 300 punto ang share index. Bumaba nang malaki rin ang stock na biniki ko. At dahil dito, nanlamig na ako sa stock market."