Ang nayon ng Huaxi ay nasa gawing silangan ng lalawigang Jiangsu sa silagang baybayin ng Tsina. Ang nayong ito ay isa sa mga pinakamayamang lugar sa Tsina ngayon at ang tunang per capita income nito ay umaabot na sa 6000 dolyares at kinikilala sa buong Tsina sa tawag na unang nayon ng Tsina. Nitong kalilipas na ilang taon, walang tigil na nababasa sa mga pahayagan ang mga balita hinggil sa nayon ng Huaxi. Kamakailan lamang, bumuli ang nayon ng Huaxi ng eroplano upang paunlarin ang industriya ng turismo nito, ito ay isang pambihirang pangyayaring naganap sa Tsina.
Noong una, bumuli ang nayon ng Huaxi ng dalawang maliliit na eroplano, natupad rin ang maraming taon nang pinapangarap ng mga taga-Huaxi na makabili ng eroplano. Ipinagmamalaki na ng nayong ito ngayon ang mahigit 4000 kotse at ngayon mayroon pa silang eroplano. Buong pagmamalaking sinabi ni mamang Wu Renbiao ng Huaxi:
"Nagbabago ang aming nayon taun-taon at ngayon, bumuli pa ang nayon ng mga eroplanong yari sa sariling bansa at sa gayo'y nabigyang-katotohanan ang maraming taon na taming panaginip. Masayang masaya ako. 75 taong gulang na ako at gusto kong sumakay sa sarili naming eroplano para tingnan ang bagong anyo ng aming lupang tinubuan."
Ang nayon ng Huaxi ay nagsisilbi ngayong halimbawa ng Tsina sa pagtatayo ng sosyalistang bagong kanayunan. Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong may katapusan ng ika-7 dekada sa nakaraang siglo, naggugumiit ang nayon ng Huaxi ng tumahak sa landas ng panlahat na kasaganaan ng lahat ng mga magsasaka sa nayon at ito ngayon ay naging isa nang lunsod sa antas na pangnayon na may halos 20000 katao mula sa dating isang maliit na nayon lamang na ang populasyon ay 1600 lamang. Sa kasalukuyan, ang bawat pamiliya sa Huaxi ay may sariling bagong modernong bahay at kotse na nagsisilbing kinatawan ng mga yumayamang magsasaka sa Tsina.
Napag-alaman, pagkaraang makabili ng nabanggit na light plane, binabalak ng Huaxin na bumili ng walo pa para sa pagpapaunlad ng industriya ng turismo sa lokalidad para matugunan ang pangangailangan ng mga turista na tingnan ang Huaxi mula sa himpapawid. Sinabi ni Mr. Wu Xieping, manager ng Taval Agency ng nayon ng Huaxi:
"Ang pagbili ng Huaxi ng mga eroplano ay naglalayong paunlarin ang industriya ng turismo. Ang pagmamasid sa Huaxi mula sa himpapawid ay isang pangangailangan para sa pagpapaunlad ng local tourism. Ang pagmamaneho ng kotse ay bagay na pangkaraniwan para sa mga taga-Huaxi. May pahintulot na ngayon ang Estados sa pagpipiloto ng pribadong eroplano, kaya gusto naming mag-aral magpalipad ng eroplano. Ang pagbili ng mga eroplano ay para rin sa layuning pagsasanay ng mga magsasaka sa nayon."
Bilang isang halimbawa ng Tsina sa pagpapaunlad ng sosyalistang bagong kanayunan, ang Huaxi ay humihikayat ng parami nang parming turista sa loob at labas ng bansa. Noong isang taon lamang, mahigit 1.2 milyong manlalakbay mula sa loob at labas ng bansa ang pumaroon sa nayon ng Huaxi at ang kita nito ay umabot sa 15 milyong dolyares.
Ang pagpasok ng eroplano sa nayon ng Huaxi ay nagbigay ng pagkakataon sa mga magsasaka ng nayong ito para matupad ang kanilang matagal nang pinapangarap. Sinabi ni Mr. Zhu Shangda:
"Ang pagbili ng sariling eroplano na gaya ng ginawa naming ay bihirang-bihirang Makita sa buong Tsina. Ito ay bunga ng pagpapaunlad ng kabuhayan local. Kusinero ako at may limang tao sa tatlong henerasyon ang pamiliya ko. Mayroon kami ng lahat ng bagay. Ang mga taong may hustong edad na tulad ko ay nagmamaneho ngayon ng kotse at magpipiloto kami sa hinaharap. May gayong pangarap akong magpalipad ng eroplano baling araw para tingnan ang buong nayon ng Huaxi."
Ang pagbili at pagpapalipad ng sariling eroplano ay hindi na panaginip ng mga taga-Huaxi at sa malapit na hinaharap, magpapalipad ang mga magsasaka ng Huaxi ng sarili nilang eroplano sa himpapawid ng Huaxi.
|