• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-17 20:45:26    
Tatlong kababalaghan sa Islang Junshan

CRI
May tatlong kababalaghan ang Islang Junshan na alalaong baga'y lumuluhang kawayan, nagsasayaw na tsa at pambihirang katangi-tanging ginintuang pagong.

Ang "lumuluhang kawayan" ay tumatukoy sa espesiyal na isang may patak na kawayan. Di-katulad ng karaniwang berdeng kawayan na nakikita namin, ang katawan ng kawayang ito ay batbat ng mga kayumanggi-biyoletang patak. Ayon sa alamat, ito ay luha ng dalawang kalunya ng emperador Shun sa sinaunang panahon.

Mahigit 4 libong taon na ang nakaraan, sa kanyang paglalakbay-suri sa timog na bahagi ng Tsina, yumao si emperador Shun, nang maalam ng kanyang dalawang kalunya ang balitang ito, yumakap ng kawayan at umiyak silang dalawa nang 3 araw at 3 gabi at tumalon sa ilog at nagpakamatay. Ang kanilang luha na naiwan sa kawayan ay naging di-maibuburang patak. Kaya, ang Islang Junshan ay tinatawag na isla ng pag-ibig.

Nagtagpo si Chen Yufen, isang turistang galing sa lalawigang Heilongjiang, sa dakong hilaga ng Tsina at ang kanyang boyfriend sa Islang Junshan, sinabi niya:

"Ito ang ika-2 beses na pumarito kami, nagtagpo kami ng aking boyfriend sa bapor papuntang Islang Junshan, nagbigay kaming dalawa ng telephone number at pinananatili ang pag-uugnayan, dinalhan kami marahil ng kasuwerte ng islang ito ng pag-ibig, ilang taong na ang nakaraan na ay nananatiling mabuti ang ating pag-ibig."

Bukod sa kawayang ito, mayroon pa isang "nagsasayaw na tsa" sa Islang Junshan, na tinatawag na "junshanyinzhen". Di-katulad ng iba pang tsa, nang ilubog ito sa mainit na tubig, nakatirik sa tubig ang bawat piraso nito at mukhang sumasayaw sila. Ang Junshanyinzhen ay isa sa sampung pinakakilalang tsa ng Tsina at isa sa mga pinakamahal, maliit ang ani nito. Sa sinaunang panahon, ang junshanyinzhen ay tribute para sa emperador.

Ang ika-3 kababalaghan ng Islang Junshan ay ginintuang pagong, ang gilid ng bahay ng ganitong pagong ay kulay na ginto, kaya, tinatawag na itong ginintuang patong. Sa alamat na lokal, maaaring dalhan nito ng kasuwerte ang mga tao.