• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-18 18:50:51    
Pag-akyat ng Bundok Tai sa tag-lagas

CRI
Sa mga kilala-kilalang bundok at ilog sa Tsina, walang isa na kapareho ng Bundok Tai na mayroon ng mataas na katayunan mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Sa Tsina, sa mula't mula pa'y iginagalang ng mga emperador ang Bundok Tai, at naging itong palatandaan ng kultura at pananampalataya ng Tsina sa sinaunang panahon.

Ang Bundok Tai, na umabot sa mahigit 1.5 libong metro mula sa pantay-dagat, ay nasa lunsod Taian ng Lalawigang Shangdong sa dakong silangan ng Tsina. Ang salitang "Tai" sa wikang Tsino ay nangangahulugang maganda at matatag. Isang kasabihan sa Tsina ang nagsasabing "kung matatag ang Bundok Tai, matatag ang buong bansa". Nang sa gayo'y malalaman ninyong bakit tinawag ng mga mamamayang Tsino ang Bundok Tai na "bundok numero uno sa ilalim ng langit".

Ang starting point ng pag-akyat ng mga emperador sa panahong piyudal ay Daimiao Temple sa paanan ng bundok Tai. Mula timog tarangkahan ng sinaunang lunsod ng Taian, may isang daan para sa imperyal na karwahe papuntang sukdulan ng Bundok Tai at ang Daimiao Temple ay nasa axis na ito.

Ang Daimiao Temple ay purok na pinagdarausan ng mga emperador ng seremonya ng pag-akyat. Ang mga plaka rito ay parang isang museo na nagsasalaysay ng seremonya ng pag-aalay sa sinaunang panahon at pagrespeto ng mga mamamayan sa diyos. Isinalaysay ni Miss Li Xinfeng, tourist guide na mula noong 300 B.C., naiwan ang bakas ng mga emperador tuwing pumarito sila sa Bundok Tai.

"Ang nakararaming stone plaques dito ay itinirik nang pumarito ang mga emperador para magbigay-galang sa langit. Ang mga nakaukit na titik sa mga naiwan nilang plaka't lapida ay nagsasaad sa kanilang ginagawa sa bundok Tai. Pagkaraang arawit ulanin sa mahabang panahon, karamihan sa mga palaka't lapida ang naagnas na."